Municipality of Naujan
  • Home
  • About Us
    • Brief History
    • Demographic Profile
    • Social Profile
  • THE BEST Program
    • Turismong Maipagmamalaki
    • Hakbanging Pang-Agrikultura
    • Edukasyon Para Sa Lahat
    • Bayang Mapagkalinga
    • Ekonomiyang Masigla
    • Sapat Na Imprastraktura
    • Tapat Na Pamamahala
  • Offices
    • Sangguniang Bayan
    • Tourism
    • Colegio De Naujan
    • Local Finance
      • Accounting Office
      • Budget Office
      • Treasurer’s Office
    • Planning and Development Office
    • MDRRMO
    • Health and Social Services
      • Health Office
      • Social Welfare and Development Office
    • Civil Registry
    • LEDIPO
    • Permits and Taxes
      • Permits and License Division
      • Assessor’s Office
    • Bids and Awards Committee
    • Agriculture and Infrastructure
      • Agriculture’s Office
      • Engineering Office
  • News and Updates
  • Issuances
    • Executive Orders
    • Memorandum Circulars
Select Page

THE BEST Health Center ng Malaya, handa nang maghatid ng mga THE BEST na Serbisyong Pangkalusugan sa barangay

June 13, 2025 | News and Updates | 0 comments

Pormal nang pinasinayaan ang bago at modernong THE BEST Health Center ng Barangay Malaya na nagmula sa pamahalaang bayan noong Hunyo 11 na pinangunahan ni Mayor Henry Joel Teves katuwang sina Punong Barangay Ruben Marasigan at Rev. Fr. Richard Adrian Dolor na siyang nagsagawa ng pagbabasbas sa gusali.

Sa mensahe ni Kapitan Marasigan ay kaniyang lubos na pinasalamatan si Mayor Teves dahil aniya ay ngayon lang nagkaroon ng sariling Health Center ang Barangay Malaya. “Napakahalaga ang araw na ito para sa atin sapagkat sa kauna-unahang pagkakataon tayo [Barangay Malaya] ay napagkalooban ng napakagandang Health Center. Ang alam ko po ay ngayon pa lamang tayo magkakaroon ng ganito.”

Ayon naman kay Mayor Teves, “Sa panunungkulan po natin ng tatlong taon, ginampanan naman po natin ‘yung mga ipinangako ko dati. Napakasarap po manungkulan sa isang bayan kapag nakakatulong ka sa kapwa mo. Palagi ko po sinasabi na ang opisina ko o ang munisipyo ay palaging bukas para sa mamamayan. Asahan ninyo po na habang ako ang nanunungkulan dito sa ating bayan, maaasahan ninyo po ang tuwid na paglilingkod. Wala po korapsyon para mas lalo tayong maraming magawa.”

Dumalo at nakiisa rin sa programang ito sina Foreman Tawi Martinez, Tourism Coordinator Disoy Gillado, Pangulo ng Senior Citizens Association ng Malaya, Sangguniang Barangay at mamamayan ng barangay. Ang proyektong ito ay ay nagmula sa pamahalaang bayan na nilaanan ng pondo ng Punumbayan at isa sa mga naging prayoridad ng kaniyang administrasyon. Inaasahang malaki ang maitutulong nito sa patuloy na paghahatid ng mga THE BEST at mas epektibong #SerbisyongPangkalusugan sa mga barangay.

#SapatNaImprastraktura

#SerbisyongTHEBEST

  • THE BEST Health Center ng Malaya, handa nang maghatid ng mga THE BEST na Serbisyong Pangkalusugan sa barangayJune 13, 2025
    Pormal nang pinasinayaan ang bago at modernong THE BEST Health Center ng Barangay Malaya na nagmula sa pamahalaang bayan noong Hunyo 11 na pinangunahan ni Mayor Henry Joel Teves katuwang sina Punong Barangay Ruben Marasigan at Rev. Fr. Richard Adrian Dolor na siyang nagsagawa ng pagbabasbas sa gusali. Sa mensahe ni Kapitan Marasigan ay kaniyang… Read more: THE BEST Health Center ng Malaya, handa nang maghatid ng mga THE BEST na Serbisyong Pangkalusugan sa barangay
  • Kahilingan ni Mayor Teves na bagong Ambulansya, pormal nang ipinagkaloob ng DOHJune 13, 2025
    Malugod na tinanggap ni Mayor Henry Joel Teves ang bagong ambulansya na kaniyang hiniling sa Department of Health (DOH) sa isinagawang formal turn over ng mga bagong Type 1 Land Ambulance ngayong araw ng Martes, Hunyo 10 na ginanap sa DOH MIMAROPA Regional Office sa Quezon City. Kabilang din ang iba pang alkalde ng Lalawigan… Read more: Kahilingan ni Mayor Teves na bagong Ambulansya, pormal nang ipinagkaloob ng DOH
  • Inagurasyon ng Bagong THE BEST Health Center ng Barangay Nag-Iba IJune 3, 2025
    “Napakasarap maglingkod lalo na kung maraming natutulungan. Masaya ako dahil nakakatulong ako sa maraming tao dito sa bayan natin.” Ito ang bahagi ng mensahe ni Mayor Henry Joel Teves sa isinagawang pormal na inagurasyon at pagpapasinaya ng bago at modernong THE BEST Health Center ng Barangay Nag-Iba I ngayong Hunyo 3. Lubos at taos pusong… Read more: Inagurasyon ng Bagong THE BEST Health Center ng Barangay Nag-Iba I
  • Seawall at Flood Control Project sa Barangay Melgar A, Melgar B at San Jose, tuluy-tuloy ang konstruksyonMay 29, 2025
    Upang masiguradong tuluy-tuloy ang konstruksyon at nasusunod ang tamang pamantayan at kalidad ng proyektong seawall at flood control sa Barangay Melgar A, Melgar B at San Jose, personal na binisita ni Mayor Henry Joel Teves ang mga ito kahapon, Mayo 28. Ang mga naturang barangay ay kabilang sa mga barangay na lubhang naaapektuhan ng mga… Read more: Seawall at Flood Control Project sa Barangay Melgar A, Melgar B at San Jose, tuluy-tuloy ang konstruksyon
  • CART Nationwide Frontline Service InspectionMay 29, 2025
    Bilang tugon sa ARTA Advisory No. 2025-11, nagsagawa ang Committee on Anti-Red Tape (CART) ng Bayan ng Naujan ng inspeksyon sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan noong nakaraang linggo na bahagi ng patuloy na kampanya kontra red tape at upang mapalakas ang epektibong paghahatid ng serbisyo-publiko ng mga service departments. Layunin ng Nationwide Frontline Service… Read more: CART Nationwide Frontline Service Inspection
  • Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2026 ng Bayan ng Naujan, napagtibay na!May 29, 2025
    Bunga ng aktibong pakikilahok at pakikisangkot ng mga kasapi ng Municipal Development Council (MDC) ng Bayan ng Naujan sa pangunguna ni Punumbayan Henry Joel Teves, matagumpay na napagtibay ang Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2026 ng Bayan ng Naujan sa ginanap na Municipal Development Council (MDC) full council meeting noong Mayo 26-27 sa… Read more: Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2026 ng Bayan ng Naujan, napagtibay na!
  • Community Outreach Program ng Naujan Employees Association, Matagumpay!May 29, 2025
    Matagumpay na naisagawa ngayong araw, May 20, 2025, ang Community Outreach Program ng Naujan Employees Association sa Leticia Medrano Cacha Elementary School sa Brgy. Malvar, Naujan. Naging benipisyaryo ng gawaing ito ang humigit kumulang na walumpung (80) mag aaral ng nasabing paaralan. Sa mensahe ng Pangulo ng NEA na si G. Greg Janda, binigyang diin… Read more: Community Outreach Program ng Naujan Employees Association, Matagumpay!
  • Mga bagong halal na opisyal ng Bayan ng Naujan, iprinoklama na!May 29, 2025
    Pormal nang iprinoklama ng Commission on Election ang mananatiling Mayor ng Naujan – Mayor Henry Joel Teves at ang magiging bagong Vice Mayor na si Budget Dan Melgar kasama ang bagong set ng Sangguniang Bayan, ganap na ika-9:30 ng umaga sa Sangguniang Bayan Session Hall. Si Mayor Teves ay nakakuha ng 30,832 na boto kontra… Read more: Mga bagong halal na opisyal ng Bayan ng Naujan, iprinoklama na!
  • Facebook
  • YouTube

  • Facebook
Copyright Municipality of Naujan 2025