Upang masiguradong tuluy-tuloy ang konstruksyon at nasusunod ang tamang pamantayan at kalidad ng proyektong seawall at flood control sa Barangay Melgar A, Melgar B at San Jose, personal na binisita ni Mayor Henry Joel Teves ang mga ito kahapon, Mayo 28.

Ang mga naturang barangay ay kabilang sa mga barangay na lubhang naaapektuhan ng mga pagtaas ng tubig na nagdudulot ng pagbaha tuwing may kalamidad na darating sa Bayan ng Naujan kaya naman ito ay inaksyunan ni Mayor Teves.

Ang seawall at flood control sa Barangay Melgar A, Melgar B at San Jose ay ilan lamang sa napakaraming mga naglalakihang flood control projects/mega road dikes sa Bayan ng Naujan na binigyang prayoridad ng administrasyon ni Mayor Teves sa kaniyang unang termino pa lamang bilang Ama ng Bayan.