
Matagumpay na naisagawa ngayong araw, May 20, 2025, ang Community Outreach Program ng Naujan Employees Association sa Leticia Medrano Cacha Elementary School sa Brgy. Malvar, Naujan. Naging benipisyaryo ng gawaing ito ang humigit kumulang na walumpung (80) mag aaral ng nasabing paaralan.



Sa mensahe ng Pangulo ng NEA na si G. Greg Janda, binigyang diin niya na mapalad ang mga mag aaral ng paaralang ito na tumanggap ng school supplies para sa kanilang nalalapit na pasukan. Dagdag pa niya, ang gawaing ito ay parte pa din ng pagtulong ng NEA sa ating mga komunidad.
Hindi lang nga school supplies ang natanggap ng mga mag aaral kundi nakatanggap din sila ng chicken sandwich at chicken with rice ng isang kilalang Fasfood Chain. Hindi mawala ang ngiti ng mga bata sa kanilang mga natanggap.



Maraming salamat sa Executive Board, Board of Directors, at lahat ng miyembro ng NEA. Pasasalamat din po sa pamunuan ng Sangguniang Barangay ng Malvar sa pangunguna ni Punong Barangay Jose Delos Reyes at sa pamunuan ng Leticia Medrano Cacha Elementary School.
Tunay na kay sarap maglingkod!
- THE BEST Health Center ng Malaya, handa nang maghatid ng mga THE BEST na Serbisyong Pangkalusugan sa barangayPormal nang pinasinayaan ang bago at modernong THE BEST Health Center ng Barangay Malaya… Read more: THE BEST Health Center ng Malaya, handa nang maghatid ng mga THE BEST na Serbisyong Pangkalusugan sa barangay
- Kahilingan ni Mayor Teves na bagong Ambulansya, pormal nang ipinagkaloob ng DOHMalugod na tinanggap ni Mayor Henry Joel Teves ang bagong ambulansya na kaniyang hiniling… Read more: Kahilingan ni Mayor Teves na bagong Ambulansya, pormal nang ipinagkaloob ng DOH
- Inagurasyon ng Bagong THE BEST Health Center ng Barangay Nag-Iba I“Napakasarap maglingkod lalo na kung maraming natutulungan. Masaya ako dahil nakakatulong ako sa maraming… Read more: Inagurasyon ng Bagong THE BEST Health Center ng Barangay Nag-Iba I
- Seawall at Flood Control Project sa Barangay Melgar A, Melgar B at San Jose, tuluy-tuloy ang konstruksyonUpang masiguradong tuluy-tuloy ang konstruksyon at nasusunod ang tamang pamantayan at kalidad ng proyektong… Read more: Seawall at Flood Control Project sa Barangay Melgar A, Melgar B at San Jose, tuluy-tuloy ang konstruksyon
- CART Nationwide Frontline Service InspectionBilang tugon sa ARTA Advisory No. 2025-11, nagsagawa ang Committee on Anti-Red Tape (CART)… Read more: CART Nationwide Frontline Service Inspection
- Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2026 ng Bayan ng Naujan, napagtibay na!Bunga ng aktibong pakikilahok at pakikisangkot ng mga kasapi ng Municipal Development Council (MDC)… Read more: Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2026 ng Bayan ng Naujan, napagtibay na!
- Community Outreach Program ng Naujan Employees Association, Matagumpay!Matagumpay na naisagawa ngayong araw, May 20, 2025, ang Community Outreach Program ng Naujan… Read more: Community Outreach Program ng Naujan Employees Association, Matagumpay!
- Mga bagong halal na opisyal ng Bayan ng Naujan, iprinoklama na!Pormal nang iprinoklama ng Commission on Election ang mananatiling Mayor ng Naujan – Mayor… Read more: Mga bagong halal na opisyal ng Bayan ng Naujan, iprinoklama na!