


Bilang tugon sa ARTA Advisory No. 2025-11, nagsagawa ang Committee on Anti-Red Tape (CART) ng Bayan ng Naujan ng inspeksyon sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan noong nakaraang linggo na bahagi ng patuloy na kampanya kontra red tape at upang mapalakas ang epektibong paghahatid ng serbisyo-publiko ng mga service departments.



Layunin ng Nationwide Frontline Service Inspection na tiyaking sumusunod ang mga ahensya ng gobyerno sa mga itinakdang pamantayan sa ilalim ng Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018, kabilang na ang tamang paglalagay ng Citizen’s Charter, maayos na sistema ng pagproseso ng dokumento, at ang pagsunod sa itinakdang oras ng serbisyo.
Ayon kay OIC-Mun. Administrator/MPDC May Manibo, Tagapangulo ng CART-LGU Naujan, ang inspeksyon na ito ay upang tulungan ang mga tanggapan na mapabuti pa ang kanilang serbisyo publiko sa mga mamamayan ng Naujan at iba pang mga kliyente. Isa aniya itong paalala ng pagpapahalaga sa transparency at accountability at pagpapanatili ng maayos na serbisyo para sa publiko.



Kabilang sa mga binisita na tanggapan ng pamahalaang bayan ay ang mga sumusunod: Municipal Health Office, Municipal Engineering Office, MSWDO, BPLO, Operations of Market, Municipal Assessor’s Office, Municipal Agriculture Office, Civil Registry Office, at ilang frontline services.
Sa inisyal na ulat, karamihan sa mga opisina ay nagpapakita ng pagsunod, subalit may ilang tinukoy na kakulangan gaya ng hindi mabasa ang nakapaskil na proseso ng serbisyo, kulang ang nakapaskil na services sa Citizens Charter at kulang na feedback mechanism para sa mga mamamayan. Bilang tugon dito, inatasan ng CART ang mga kinauukulang opisina na kaagad ayusin ang mga kakulangan sa loob ng 20 araw at upang makapagsumite ng Post Inspection Report at compliance report sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) bago ang Hunyo 30, 2025.



Inaasahang magpapatuloy ang mga ganitong aktibidad sa susunod na mga buwan upang tiyakin ang tuluy-tuloy na reporma sa burukrasya tungo sa mas mabilis, tapat, at episyenteng pamahalaan.
#EODBMonth2025
#FromRedTapeToRedCarpet
#BetterBusinessMovement
#R2CBBMBP
#SerbisyongTHEBEST
- THE BEST Health Center ng Malaya, handa nang maghatid ng mga THE BEST na Serbisyong Pangkalusugan sa barangayPormal nang pinasinayaan ang bago at modernong THE BEST Health Center ng Barangay Malaya… Read more: THE BEST Health Center ng Malaya, handa nang maghatid ng mga THE BEST na Serbisyong Pangkalusugan sa barangay
- Kahilingan ni Mayor Teves na bagong Ambulansya, pormal nang ipinagkaloob ng DOHMalugod na tinanggap ni Mayor Henry Joel Teves ang bagong ambulansya na kaniyang hiniling… Read more: Kahilingan ni Mayor Teves na bagong Ambulansya, pormal nang ipinagkaloob ng DOH
- Inagurasyon ng Bagong THE BEST Health Center ng Barangay Nag-Iba I“Napakasarap maglingkod lalo na kung maraming natutulungan. Masaya ako dahil nakakatulong ako sa maraming… Read more: Inagurasyon ng Bagong THE BEST Health Center ng Barangay Nag-Iba I
- Seawall at Flood Control Project sa Barangay Melgar A, Melgar B at San Jose, tuluy-tuloy ang konstruksyonUpang masiguradong tuluy-tuloy ang konstruksyon at nasusunod ang tamang pamantayan at kalidad ng proyektong… Read more: Seawall at Flood Control Project sa Barangay Melgar A, Melgar B at San Jose, tuluy-tuloy ang konstruksyon
- CART Nationwide Frontline Service InspectionBilang tugon sa ARTA Advisory No. 2025-11, nagsagawa ang Committee on Anti-Red Tape (CART)… Read more: CART Nationwide Frontline Service Inspection
- Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2026 ng Bayan ng Naujan, napagtibay na!Bunga ng aktibong pakikilahok at pakikisangkot ng mga kasapi ng Municipal Development Council (MDC)… Read more: Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2026 ng Bayan ng Naujan, napagtibay na!
- Community Outreach Program ng Naujan Employees Association, Matagumpay!Matagumpay na naisagawa ngayong araw, May 20, 2025, ang Community Outreach Program ng Naujan… Read more: Community Outreach Program ng Naujan Employees Association, Matagumpay!
- Mga bagong halal na opisyal ng Bayan ng Naujan, iprinoklama na!Pormal nang iprinoklama ng Commission on Election ang mananatiling Mayor ng Naujan – Mayor… Read more: Mga bagong halal na opisyal ng Bayan ng Naujan, iprinoklama na!