
Bunga ng aktibong pakikilahok at pakikisangkot ng mga kasapi ng Municipal Development Council (MDC) ng Bayan ng Naujan sa pangunguna ni Punumbayan Henry Joel Teves, matagumpay na napagtibay ang Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2026 ng Bayan ng Naujan sa ginanap na Municipal Development Council (MDC) full council meeting noong Mayo 26-27 sa Bayan ng Puerto Galera.


Naging katuwang at kaisa sa pagpapatibay nito ang mga Punong Barangay, mga Civil Society Organizations (CSOs) at si Konsehal Wil Viray bilang Tagapangulo ng Komitiba ng Pananalapi. Buong pwersa rin na nagbigay ng suporta ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan sa pangunguna naman ni Vice Mayor Great Delos Reyes.
Bago pa man ang pagpapatibay ng AIP 2026, iprinesenta muna sa mga kasapi ng MDC ang mga nilalaman nito. Iprinisenta rin sa naturang pagpupulong ang mga nilalaman ng Local Development Investment Program (LDIP) para sa taong 2026-2028 na hinati sa limang sektor kabilang ang Institutional Sector, Social Sector, Economic Sector, Environemental Sector at Infrastructure Sector.


Nakapaloob sa panukalang AIP ang mga THE BEST na proyekto at programa na siya naman magiging batayan ng ilalapat na badyet para rin sa taong 2026.
Ilan lamang sa binigyang prayoridad na mga proyektong ipapaloob sa 20% Development Fund ay ang mga proyektong pang-imprastraktura na maghahatid ng malaking tulong at kapakinabangan sa mga barangay gayundin ang mga programang tutugon naman sa pangangailangan ng mga mamamayan.
- THE BEST Health Center ng Malaya, handa nang maghatid ng mga THE BEST na Serbisyong Pangkalusugan sa barangayPormal nang pinasinayaan ang bago at modernong THE BEST Health Center ng Barangay Malaya… Read more: THE BEST Health Center ng Malaya, handa nang maghatid ng mga THE BEST na Serbisyong Pangkalusugan sa barangay
- Kahilingan ni Mayor Teves na bagong Ambulansya, pormal nang ipinagkaloob ng DOHMalugod na tinanggap ni Mayor Henry Joel Teves ang bagong ambulansya na kaniyang hiniling… Read more: Kahilingan ni Mayor Teves na bagong Ambulansya, pormal nang ipinagkaloob ng DOH
- Inagurasyon ng Bagong THE BEST Health Center ng Barangay Nag-Iba I“Napakasarap maglingkod lalo na kung maraming natutulungan. Masaya ako dahil nakakatulong ako sa maraming… Read more: Inagurasyon ng Bagong THE BEST Health Center ng Barangay Nag-Iba I
- Seawall at Flood Control Project sa Barangay Melgar A, Melgar B at San Jose, tuluy-tuloy ang konstruksyonUpang masiguradong tuluy-tuloy ang konstruksyon at nasusunod ang tamang pamantayan at kalidad ng proyektong… Read more: Seawall at Flood Control Project sa Barangay Melgar A, Melgar B at San Jose, tuluy-tuloy ang konstruksyon
- CART Nationwide Frontline Service InspectionBilang tugon sa ARTA Advisory No. 2025-11, nagsagawa ang Committee on Anti-Red Tape (CART)… Read more: CART Nationwide Frontline Service Inspection
- Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2026 ng Bayan ng Naujan, napagtibay na!Bunga ng aktibong pakikilahok at pakikisangkot ng mga kasapi ng Municipal Development Council (MDC)… Read more: Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2026 ng Bayan ng Naujan, napagtibay na!
- Community Outreach Program ng Naujan Employees Association, Matagumpay!Matagumpay na naisagawa ngayong araw, May 20, 2025, ang Community Outreach Program ng Naujan… Read more: Community Outreach Program ng Naujan Employees Association, Matagumpay!
- Mga bagong halal na opisyal ng Bayan ng Naujan, iprinoklama na!Pormal nang iprinoklama ng Commission on Election ang mananatiling Mayor ng Naujan – Mayor… Read more: Mga bagong halal na opisyal ng Bayan ng Naujan, iprinoklama na!