
Binigyang-diin ang pagpapalaganap ng integridad, pananagutan, at pagiging tapat sa pagbibigay ng serbisyo publiko sa matagumpay na isinagawang seminar workshop para sa Orientation on Integrity, Transparency and Accountability in Public Service o ITAPS ng Pamahalaang Bayan ng Naujan sa pamamagitan ng Human Resource and Management Unit (HRMU) na nilahukan ng anim (6) na batch na may kabuuang 506 na empleyado mula sa iba’t ibang departamento ng pamahalang bayan kamakailan.


Ang naturang aktibidad ay naisakatuparan sa pakikipag tulungan sa Office of the Ombudsman kung saan ay tinalakay ang apat na mahahalagang module hinggil sa: Module 1 – Understanding Corruption, Meaning of Corruption, Causes and Effects of Corruption; Module 2 – Accountability of Public Officials and Employees (RA 6713); Module 3 – Penalizing Corruption, RA 3019, Malversation, RA 11313, RA 7877; and Module 4 – Integrity, Reflection.
Kabilang sa mga tinalakay ang mahahalagang kaalaman at pananaw na ibinahagi ng mga kilalang panauhing tagapagsalita mula sa Office of the Ombudsman na sina Graft Prevention and Control Officer III Ma. Lolita S. Velicaria, Graft Investigation Officer III Edita D. Dizon, at Associate Graft Investigation Officer II Maria Rose A. Roque.



Bawat batch ay nagtapos sa pamamagitan ng pagbabahagi ng reflections ng mga kalahok, evaluations, at photo-op. Ginawaran din ng mga plake at token ang mga panauhing tagapagsalita bilang pasasalamat sa kanilang mahalagang ambag sa matagumpay at makabuluhang gawaing ito.
Layunin ng aktibidad na itaas ang antas ng kamalayan ng mga kawani ng pamahalaan hinggil sa kahalagahan ng paghubog ng karakter na may integridad sa pamahalaan at upang linangin ang mas malalim na pag-unawa sa tungkulin ng mga lingkod-bayan at ang pananagutang kaakibat ng kanilang mga posisyon.
- Utilization of the 20% of the National Tax Allotment 1st Quarter 2025
- Unliquidated Cash Advances 1st Quarter 2025
- Trust Fund Utilization 1st Quarter 2025
- Statement of Receipts and Expenditures 1st Quarter 2025
- Statement of Indebtedness Payments and Balances (SIPB) 1st Quarter 2025
- Statement Cash Flows 1st Quarter 2025
- Special Education Fund Utilization 1st Quarter 2025
- Local Disaster Risk Reduction and Management Fund Utilization 1st Quarter 2025