
Mula sa pagiging malikhain, nabuo ang mga konsepto na gawa ng mga Naujeños sa kanilang mga ibinidang saranggola sa ginanap na Saranggolahan sa Naujan 2025 noong Abril 20 sa Provincial Sports Complex, Barangay Santiago kung saan isinasagawa ito tuwing Linggo ng Pagkabuhay bilang pagpapahalaga sa tradisyon, sining at kultura, at sumisimbolo sa tayog ng mga pangarap ng bawat mamamayang Naujeño.


Bagama’t lahat ng saranggola ay magaganda at nagpakitang gilas, itinanghal na kampeon ang saranggolang Sarimanok. Nakamit naman ng Mariposa ang ikalawang pwesto, Tropang Uwak sa ikatlong pwesto, at Love Birds sa ikaapat na pwesto.
Napili namang Best Design sa Synchronized Kite category ang NDJ Safekeepers na service vehicle-inspired na saranggola ng BJMP-Naujan District Jail na gawa ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs). Simbolo at mensahe raw nito ang pag-asa na kahit sa likod ng rehas, may pagkakataon pa ring magbago at muling makilahok sa lipunan.


Buong suporta itong dinaluhan ni Mayor Henry Joel Teves at pinasalamatan niya sa kaniyang mensahe ang mga organizers at mga kalahok ng Saranggolahan sa Naujan 2025 ganoon din ang mga nagsilbing hurado na sina Bb. Princess Balita mula sa Provincial Tourism Office, Pat. Bejay E. Palo ng 404th B Maneuver Company RMFB MIMAROPA, at Bb. Mira Mercado ng Naujan Public Information Office.


Bilang suporta naman ni Mayor Teves sa mga natatanging talento at pagkamalikhain ng mga kalahok, nagkaloob siya ng karagdagang halaga para sa mga pa-premyo. Nagpahayag din ng suporta si Tourism Coordinator Disoy Gillado sa aktibong pakikiisa ng mga kalahok at sa pagiging malikhain ng mga ito. Patunay lamang aniya ito na binibigyan halaga ang sining at mayamang kultura ng Bayan ng Naujan.
- Utilization of the 20% of the National Tax Allotment 1st Quarter 2025
- Unliquidated Cash Advances 1st Quarter 2025
- Trust Fund Utilization 1st Quarter 2025
- Statement of Receipts and Expenditures 1st Quarter 2025
- Statement of Indebtedness Payments and Balances (SIPB) 1st Quarter 2025
- Statement Cash Flows 1st Quarter 2025
- Special Education Fund Utilization 1st Quarter 2025
- Local Disaster Risk Reduction and Management Fund Utilization 1st Quarter 2025