Ngayong Araw ng Kagitingan ay binisita ni Mayor Henry Joel Teves ang kasalukuyang ginagawang Flood Control Project sa Barangay San Antonio na kaniyang hiniling sa pamahalaang nasyunal upang personal niyang makita ang progreso nito at kaniyang malaman kung naaayon ba sa plano ang paggawa nito. Kinumusta at pinasalamatan din niya ang mga magigiting na manggagawa na kahit holiday ay deretso ang trabaho.

Ang Barangay San Antonio ay kabilang sa mga barangay na lubhang naapektuhan ng pagbaha tuwing may kalamidad at sasapit ang tag-ulan. Kaya naman, sinikap ni Mayor Teves at ng Pamahalaang Bayan ng Naujan na mabigyan ng solusyon ang suliraning ito ng nasabing barangay.


Dahil sa mabilis na aksyon ni Mayor Teves at sa agarang pagtugon din ng pamahalaang nasyunal ay nabigyan nga ng katuparan ang naturang proyekto na matagal ng pangarap ng mga residente ng Barangay San Antonio.
- Utilization of the 20% of the National Tax Allotment 1st Quarter 2025
- Unliquidated Cash Advances 1st Quarter 2025
- Trust Fund Utilization 1st Quarter 2025
- Statement of Receipts and Expenditures 1st Quarter 2025
- Statement of Indebtedness Payments and Balances (SIPB) 1st Quarter 2025
- Statement Cash Flows 1st Quarter 2025
- Special Education Fund Utilization 1st Quarter 2025
- Local Disaster Risk Reduction and Management Fund Utilization 1st Quarter 2025