Patuloy ang pagsusulong ng Pamahalaang Bayan ng Naujan sa pangunguna ni Mayor Henry Joel Teves para sa mas handa at ligtas na komunidad sa panahon ng sakuna.

Kaugnay nito, sumailalim ang mga kawani ng Municipal Health Office (MHO) at mga kinatawan ng Municipal Nutrition Council (MNC) sa tatlong araw na Nutrition in Emergencies Training na nagsimula noong Abril 2 sa Bahay Tuklasan kung saan ay buong suportang dumalo at nakiisa ang Punumbayan sa kanilang pagtatapos noong Abril 4.


Kabilang sa mga tanggapan na kasapi ng MNC na dumalo ay ang Municipal Social Welfare ang Development Office (MSWDO), Municipal Disaster Risk Reduction ang Management Office (MDRRMO), Municipal Agriculture Office (MAgO), Municipal Budget Office (MBO), Municipal Engeineering Office (MEO) at Department of Education (DepED).


Sa pamamagitan ng mahuhusay na tagapagsalita na sina Mr. Noel Mercado ng Department of Health (DOH) Health Emergency Management Services (HEMS) MIMAROPA, National Nutrition Council (NNC) MIMAROPA Nutrition Office III Keren Faye Gaya, Ms. Mylene Lastimoza at Ms. Aira Dimaano mula sa Provincial Health Office (PHO) at Pinamalayan Municipal Nutiriton Action Officer Yolenda Rosales ay natutunan at naunawaan nila ang kahalagahan ng emergency nutrition interventions sa pagligtas ng buhay sa panahon ng sakuna.
Layunin ng naturang pagsasanay na mas bigyang-kakayahan pa ang mga dumalo sa paghahatid ng mga THE BEST na #SerbisyongPangkalusugan at pamamahala ng nutrisyon sa panahon ng mga sakuna at kalamidad.
- LTO Caravan sa Distrito Syete, 237 ang natulungan na magkaroon ng Student Driver’s PermitAng Bayan ng Naujan ang bayan sa buong Lalawigan ng Oriental Mindoro ang may… Read more: LTO Caravan sa Distrito Syete, 237 ang natulungan na magkaroon ng Student Driver’s Permit
- Flood Control Project sa Barangay San JoseBinisita ni Mayor Henry Joel Teves ang kasalukuyang ginagawang Flood Control Project na Mega… Read more: Flood Control Project sa Barangay San Jose
- Mga kawani ng MHO at iba pang responders, sumailalim sa Nutrition in Emergencies TrainingPatuloy ang pagsusulong ng Pamahalaang Bayan ng Naujan sa pangunguna ni Mayor Henry Joel… Read more: Mga kawani ng MHO at iba pang responders, sumailalim sa Nutrition in Emergencies Training
- Mga wheelchairs, handog ni Mayor Teves sa mga nangangailanganPersonal na ipinagkaloob ni Mayor Henry Joel Teves ang mga wheelchairs sa mga dating… Read more: Mga wheelchairs, handog ni Mayor Teves sa mga nangangailangan
- Bagong THE BEST Health Center sa Barangay San PedroBukod sa mga proyektong road opening, mga solar streetlights, repair ng lumang health center… Read more: Bagong THE BEST Health Center sa Barangay San Pedro
- Mayor Teves, lumiham sa Highway Patrol GroupUpang patuloy na maitaguyod ang Serbisyong THE BEST at mapabuti ang kalagayan ng ating… Read more: Mayor Teves, lumiham sa Highway Patrol Group
- Groundbreaking Ceremony ng Executive Building ng pamahalaang bayanBunga ng magandang ugnayan at samahan ni Mayor Henry Joel Teves at ni Governor… Read more: Groundbreaking Ceremony ng Executive Building ng pamahalaang bayan
- National Women’s Month, ipinagdiwang sa Bayan ng NaujanMasayang ipinagdiwang sa Bayan ng Naujan ang National Women’s Month Celebration na may temang… Read more: National Women’s Month, ipinagdiwang sa Bayan ng Naujan