Ang Bayan ng Naujan ang bayan sa buong Lalawigan ng Oriental Mindoro ang may pinakamaraming isinasagawang LTO Caravan.
Patunay nito, mayroong 237 ang muling natulungan na magkaroon ng Student Driver’s Permit at mabigyan ng FREE Theoretical Driving Course (TDC) sa ginanap na Road Safety Advocacy Program noong Abril 6-7 sa Barangay Aurora covered court na kaugnay ng pagdiriwang ng ika-6 na taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Minisipyo sa Distrito Syete.

Ito ay bahagi ng pagbibigay ng Pamahalaang Bayan ng Naujan sa pangunguna ni Mayor Henry Joel Teves katuwang ang Land Transportation Office (LTO) MIMAROPA – Victoria Extension Office sa pamumuno ni OIC Cherry Ann Albate-Sales Alcosin, ng mga komprehensibong kaalaman tungkol sa mga batas trapiko, ligtas na pamamaraan ng pagmamaneho, mga senyas at palatandaan sa kalsada, at ang kahalagahan ng kagandahang-asal at respeto sa kalsada.


Dagdag pa rito, pinadali ng programa ang proseso ng pagkuha ng Student Permit, na nagbigay daan sa mas madali, mas epektibo at THE BEST na serbisyo. Hindi lamang nito pinasimple ang aplikasyon kundi binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagsunod sa mga alituntunin sa kaligtasan, na nagtataguyod ng responsable at legal na paraan ng pagmamaneho.


Hatid pa rin ng patuloy na Serbisyong THE BEST ni Mayor Teves sa pamamagitan ng Naujan Public Information Office at Naujan Tourism Office sa tulong ng First Asian Cognizance Executive Training – FACET Institute Corp., Department of Information and Communications Technology – DICT Region IVB – Oriental Mindoro at iba pang mga katuwang na ahensya at tanggapan.
#SerbisyongTHEBEST
- LTO Caravan sa Distrito Syete, 237 ang natulungan na magkaroon ng Student Driver’s PermitAng Bayan ng Naujan ang bayan sa buong Lalawigan ng Oriental Mindoro ang may… Read more: LTO Caravan sa Distrito Syete, 237 ang natulungan na magkaroon ng Student Driver’s Permit
- Flood Control Project sa Barangay San JoseBinisita ni Mayor Henry Joel Teves ang kasalukuyang ginagawang Flood Control Project na Mega… Read more: Flood Control Project sa Barangay San Jose
- Mga kawani ng MHO at iba pang responders, sumailalim sa Nutrition in Emergencies TrainingPatuloy ang pagsusulong ng Pamahalaang Bayan ng Naujan sa pangunguna ni Mayor Henry Joel… Read more: Mga kawani ng MHO at iba pang responders, sumailalim sa Nutrition in Emergencies Training
- Mga wheelchairs, handog ni Mayor Teves sa mga nangangailanganPersonal na ipinagkaloob ni Mayor Henry Joel Teves ang mga wheelchairs sa mga dating… Read more: Mga wheelchairs, handog ni Mayor Teves sa mga nangangailangan
- Bagong THE BEST Health Center sa Barangay San PedroBukod sa mga proyektong road opening, mga solar streetlights, repair ng lumang health center… Read more: Bagong THE BEST Health Center sa Barangay San Pedro
- Mayor Teves, lumiham sa Highway Patrol GroupUpang patuloy na maitaguyod ang Serbisyong THE BEST at mapabuti ang kalagayan ng ating… Read more: Mayor Teves, lumiham sa Highway Patrol Group
- Groundbreaking Ceremony ng Executive Building ng pamahalaang bayanBunga ng magandang ugnayan at samahan ni Mayor Henry Joel Teves at ni Governor… Read more: Groundbreaking Ceremony ng Executive Building ng pamahalaang bayan
- National Women’s Month, ipinagdiwang sa Bayan ng NaujanMasayang ipinagdiwang sa Bayan ng Naujan ang National Women’s Month Celebration na may temang… Read more: National Women’s Month, ipinagdiwang sa Bayan ng Naujan