Binisita ni Mayor Henry Joel Teves ang kasalukuyang ginagawang Flood Control Project na Mega Dike sa ilog ng Barangay San Jose noong Abril 7.

Isa sa naging pangunahing suliranin ng Barangay San Jose ay ang tuluyang pagtabag ng kanilang lupa dahil sa malakas na agos ng tubig sa ilog lalo na tuwing may kalamidad kaya naman ito ang isa sa mga inilapit ni Punong Barangay Rodel Calica kay Mayor Henry Joel Teves noong nakaraang taon.


Kaagad itong binigyang aksyon ni Mayor Teves sa pamamagitan ng paghingi rin niya ng tulong sa mga tanggapan ng pamahalaang nasyunal dahil sa hindi ito kayang tugunan ng maliit na pondo ng bayan para sa mga ganitong proyekto.
Bunga ng sipag, dedikasyon at determinasyon ni Mayor Teves, pormal na nga sinimulan ang Flood Control Project na ito sa nasabing barangay na kaniyang hiniling sa Office of the Civil Defense (OCD) sa tulong ng kaniyang kaibigan na si Usec. Ariel Nepomuceno.


Inaasahang kapag natapos ang naturang proyekto ay magsisilbi itong matibay at pangmatagalang proteksyon ng barangay at mamamayan nito sa mga sakunang maaaring idulot ng anumang kalamidad para sa kanilang kaligtasan.
- LTO Caravan sa Distrito Syete, 237 ang natulungan na magkaroon ng Student Driver’s PermitAng Bayan ng Naujan ang bayan sa buong Lalawigan ng Oriental Mindoro ang may… Read more: LTO Caravan sa Distrito Syete, 237 ang natulungan na magkaroon ng Student Driver’s Permit
- Flood Control Project sa Barangay San JoseBinisita ni Mayor Henry Joel Teves ang kasalukuyang ginagawang Flood Control Project na Mega… Read more: Flood Control Project sa Barangay San Jose
- Mga kawani ng MHO at iba pang responders, sumailalim sa Nutrition in Emergencies TrainingPatuloy ang pagsusulong ng Pamahalaang Bayan ng Naujan sa pangunguna ni Mayor Henry Joel… Read more: Mga kawani ng MHO at iba pang responders, sumailalim sa Nutrition in Emergencies Training
- Mga wheelchairs, handog ni Mayor Teves sa mga nangangailanganPersonal na ipinagkaloob ni Mayor Henry Joel Teves ang mga wheelchairs sa mga dating… Read more: Mga wheelchairs, handog ni Mayor Teves sa mga nangangailangan
- Bagong THE BEST Health Center sa Barangay San PedroBukod sa mga proyektong road opening, mga solar streetlights, repair ng lumang health center… Read more: Bagong THE BEST Health Center sa Barangay San Pedro
- Mayor Teves, lumiham sa Highway Patrol GroupUpang patuloy na maitaguyod ang Serbisyong THE BEST at mapabuti ang kalagayan ng ating… Read more: Mayor Teves, lumiham sa Highway Patrol Group
- Groundbreaking Ceremony ng Executive Building ng pamahalaang bayanBunga ng magandang ugnayan at samahan ni Mayor Henry Joel Teves at ni Governor… Read more: Groundbreaking Ceremony ng Executive Building ng pamahalaang bayan
- National Women’s Month, ipinagdiwang sa Bayan ng NaujanMasayang ipinagdiwang sa Bayan ng Naujan ang National Women’s Month Celebration na may temang… Read more: National Women’s Month, ipinagdiwang sa Bayan ng Naujan