Upang patuloy na maitaguyod ang Serbisyong THE BEST at mapabuti ang kalagayan ng ating mamamayan, partikular na ang sektor ng mga drayber ng traysikel, lumiham si Mayor Henry Joel Teves sa Highway Patrol Group (HPG) – Regional Highway Patrol Unit (RHPU) MIMAROPA kamakailan.

Layunin ng kaniyang pagliham ay upang hilingin na ipagpaliban o pansamantalang ipawalang-sala ang anumang kaugnay na parusa o paglabag na maaaring ipataw sa mga drayber ng traysikel na kasapi ng Federation of Naujan Tricycle Operators and Drivers Association (FENTODA) na nakabase sa Barangay Barcenaga habang ang pag-amyenda sa Municipal Ordinance Blg. 151, Serye ng 2023 na may kinalaman sa pagtaas ng mga bayarin at singil sa prangkisa ng traysikel sa Bayan ng Naujan ay nakabinbin pa sa Sangguniang Bayan.
Kaugnay nito, nagtungo sa tanggapan ni Mayor Teves ang mga personnel ng HPG-RHPU MIMAROPA sa pangunguna ni RHPU MIMAROPA Regional Chief PCOL ANNIE U MANGELEN, Marso 26 ng umaga upang pag-usapan ang tungkol dito.



Ipinahayag ni PCol Mangelen na bilang katuwang sa pagbibigay ng serbisyo sa komunidad ay pinagbibigyan nila ang nasabing kahilingan, sa kundisyong masisiguro na ang mga operator at drayber ng traysikel na kasapi ng FENTODA sa Barangay Barcenaga ay mahigpit na susunod sa mga batas at regulasyong pang-trapiko na itinakda sa R.A. No. 4136 dahil ang kanilang pangunahing layunin ay gawing ligtas ang mga lansangan para sa lahat ng mamamayan at ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
- LTO Caravan sa Distrito Syete, 237 ang natulungan na magkaroon ng Student Driver’s PermitAng Bayan ng Naujan ang bayan sa buong Lalawigan ng Oriental Mindoro ang may… Read more: LTO Caravan sa Distrito Syete, 237 ang natulungan na magkaroon ng Student Driver’s Permit
- Flood Control Project sa Barangay San JoseBinisita ni Mayor Henry Joel Teves ang kasalukuyang ginagawang Flood Control Project na Mega… Read more: Flood Control Project sa Barangay San Jose
- Mga kawani ng MHO at iba pang responders, sumailalim sa Nutrition in Emergencies TrainingPatuloy ang pagsusulong ng Pamahalaang Bayan ng Naujan sa pangunguna ni Mayor Henry Joel… Read more: Mga kawani ng MHO at iba pang responders, sumailalim sa Nutrition in Emergencies Training
- Mga wheelchairs, handog ni Mayor Teves sa mga nangangailanganPersonal na ipinagkaloob ni Mayor Henry Joel Teves ang mga wheelchairs sa mga dating… Read more: Mga wheelchairs, handog ni Mayor Teves sa mga nangangailangan
- Bagong THE BEST Health Center sa Barangay San PedroBukod sa mga proyektong road opening, mga solar streetlights, repair ng lumang health center… Read more: Bagong THE BEST Health Center sa Barangay San Pedro
- Mayor Teves, lumiham sa Highway Patrol GroupUpang patuloy na maitaguyod ang Serbisyong THE BEST at mapabuti ang kalagayan ng ating… Read more: Mayor Teves, lumiham sa Highway Patrol Group
- Groundbreaking Ceremony ng Executive Building ng pamahalaang bayanBunga ng magandang ugnayan at samahan ni Mayor Henry Joel Teves at ni Governor… Read more: Groundbreaking Ceremony ng Executive Building ng pamahalaang bayan
- National Women’s Month, ipinagdiwang sa Bayan ng NaujanMasayang ipinagdiwang sa Bayan ng Naujan ang National Women’s Month Celebration na may temang… Read more: National Women’s Month, ipinagdiwang sa Bayan ng Naujan