Bukod sa mga proyektong road opening, mga solar streetlights, repair ng lumang health center at evacuation center sa Barangay San Pedro na ipinagkaloob ng pamahalaang bayan sa unang termino pa lamang ni Mayor Henry Joel Teves, pinasinayaan na rin ang kanilang bago at modernong THE BEST Health Center noong Marso 12 na hatid pa rin ng patuloy na Serbisyong THE BEST ni Mayor Teves.

“Gusto kong maramdaman ng mamamayan na mayroong gobyerno ang Naujan na handang tumulong,” ang mensahe ni Mayor Teves.
“Hindi tayo ang Mayor na nakaupo lamang, gumagalaw tayo sapagkat napakaliit ng pondo natin. Kulang-kulang na 25 Milyon a year ang binabayaran ng munisipyo, kaya kung hindi tayo sisipagan o gagalaw, wala pong maipapatayong mga imprastraktura ang inyong lingkod.,” mensahe pa ni Mayor Teves.


Walang hanggang pasasalamat naman kay Mayor Teves ang ipinaabot ng Sangguniang Barangay at mamamayan ng Barangay San Pedro sa pamamagitan ni Punong Barangay Edison Manalo. Ayon pa sa kaniya, “kung anuman po ang pangangailangan natin dito sa ating barangay ay alam ko naman po na tinutugunan ng ating butihing Mayor.”
Dagdag pa niya, “hindi lamang po dito sa ating barangay kundi sa lahat ng barangay na nasasakupan ng Naujan. Alam ko pong ginagawa ng Punumbayan ang kaniyang mga gawa para po matulungan ang lahat ng mamamayan sa Bayan ng Naujan. Sa katunayan po, unang termino pa lamang po ng ating butihing Mayor ay napagkalooban na po ang ating barangay ng limang proyekto.”

Ang naturang proyekto ay bahagi pa rin ng patuloy na paghahatid ng mga THE BEST at mas epektibong #SerbisyongPangkalusugan sa mga barangay.
#SerbisyongTHEBEST
- LTO Caravan sa Distrito Syete, 237 ang natulungan na magkaroon ng Student Driver’s PermitAng Bayan ng Naujan ang bayan sa buong Lalawigan ng Oriental Mindoro ang may… Read more: LTO Caravan sa Distrito Syete, 237 ang natulungan na magkaroon ng Student Driver’s Permit
- Flood Control Project sa Barangay San JoseBinisita ni Mayor Henry Joel Teves ang kasalukuyang ginagawang Flood Control Project na Mega… Read more: Flood Control Project sa Barangay San Jose
- Mga kawani ng MHO at iba pang responders, sumailalim sa Nutrition in Emergencies TrainingPatuloy ang pagsusulong ng Pamahalaang Bayan ng Naujan sa pangunguna ni Mayor Henry Joel… Read more: Mga kawani ng MHO at iba pang responders, sumailalim sa Nutrition in Emergencies Training
- Mga wheelchairs, handog ni Mayor Teves sa mga nangangailanganPersonal na ipinagkaloob ni Mayor Henry Joel Teves ang mga wheelchairs sa mga dating… Read more: Mga wheelchairs, handog ni Mayor Teves sa mga nangangailangan
- Bagong THE BEST Health Center sa Barangay San PedroBukod sa mga proyektong road opening, mga solar streetlights, repair ng lumang health center… Read more: Bagong THE BEST Health Center sa Barangay San Pedro
- Mayor Teves, lumiham sa Highway Patrol GroupUpang patuloy na maitaguyod ang Serbisyong THE BEST at mapabuti ang kalagayan ng ating… Read more: Mayor Teves, lumiham sa Highway Patrol Group
- Groundbreaking Ceremony ng Executive Building ng pamahalaang bayanBunga ng magandang ugnayan at samahan ni Mayor Henry Joel Teves at ni Governor… Read more: Groundbreaking Ceremony ng Executive Building ng pamahalaang bayan
- National Women’s Month, ipinagdiwang sa Bayan ng NaujanMasayang ipinagdiwang sa Bayan ng Naujan ang National Women’s Month Celebration na may temang… Read more: National Women’s Month, ipinagdiwang sa Bayan ng Naujan