Bunga ng magandang ugnayan at samahan ni Mayor Henry Joel Teves at ni Governor Bonz Dolor, magkakaroon na ng katuparan ang pagtatayo ng Executive Building ng pamahalaang bayan na proyektong nagmula sa pamahalaang panlalawigan matapos isagawa ang groundbreaking ceremony nito noong Marso 11.

“Tayo po ay nagpapasalamat dahil very supportive ang ating Gobernador,” ang bungad na mensahe ni Mayor Teves. Ayon pa sa kaniya, napakaliit ng opisina ng isang Mayor kung kaya’t ito ay isang katuparan ng kaniyang pangarap upang higit pang mapagsilbihan ang nakararaming Naujeño na dumudulog sa kaniyang tanggapan.
Ang inyong lingkod ay hindi nagsasara ng pintuan [ng opisina]. Ang gusto ko ay lahat ng tao na pumupunta sa office natin ay makausap ko pero nasa labas na iyong iba kung kaya humiling po tayo sa ating Gobernador,” dagdag pa ni Mayor Teves.



Ayon naman kay Governor Dolor, “ang ginagawa natin ay simbolo na kapag ginusto natin ang isang bagay at sinamahan natin ng commitment ay magkakaroon ng katuparan at magiging matagumpay.” Nagpasalamat din siya sa Diyos sa pagbibigay sa kaniya ng pagkakataon na makapagbigay muli ng karagdagang proyekto sa kaniyang sariling bayan, ang Bayan ng Naujan.
Ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng 20 Milyong Piso at ito ay magsisilbing mas kumbinyenteng Tanggapan ng Punumbayan na hindi pinapasok ng tubig tuwing umuulan. Inaasahang malaki ang maitutulong nito sa patuloy na paghahatid ng mga Serbisyong THE BEST para sa mga mamamayang Naujeño.


Dumalo rin sa naturang gawain sina ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Great Delos Reyes, mga kasapi ng pamahalaang panlalawigan at mga Punong Barangay. Nakiisa rin dito ang mga Department/Unit/Program head, mga kawani ng pamahalaang bayan at iba pang mga opisyal.
#SerbisyongTHEBEST
- LTO Caravan sa Distrito Syete, 237 ang natulungan na magkaroon ng Student Driver’s PermitAng Bayan ng Naujan ang bayan sa buong Lalawigan ng Oriental Mindoro ang may… Read more: LTO Caravan sa Distrito Syete, 237 ang natulungan na magkaroon ng Student Driver’s Permit
- Flood Control Project sa Barangay San JoseBinisita ni Mayor Henry Joel Teves ang kasalukuyang ginagawang Flood Control Project na Mega… Read more: Flood Control Project sa Barangay San Jose
- Mga kawani ng MHO at iba pang responders, sumailalim sa Nutrition in Emergencies TrainingPatuloy ang pagsusulong ng Pamahalaang Bayan ng Naujan sa pangunguna ni Mayor Henry Joel… Read more: Mga kawani ng MHO at iba pang responders, sumailalim sa Nutrition in Emergencies Training
- Mga wheelchairs, handog ni Mayor Teves sa mga nangangailanganPersonal na ipinagkaloob ni Mayor Henry Joel Teves ang mga wheelchairs sa mga dating… Read more: Mga wheelchairs, handog ni Mayor Teves sa mga nangangailangan
- Bagong THE BEST Health Center sa Barangay San PedroBukod sa mga proyektong road opening, mga solar streetlights, repair ng lumang health center… Read more: Bagong THE BEST Health Center sa Barangay San Pedro
- Mayor Teves, lumiham sa Highway Patrol GroupUpang patuloy na maitaguyod ang Serbisyong THE BEST at mapabuti ang kalagayan ng ating… Read more: Mayor Teves, lumiham sa Highway Patrol Group
- Groundbreaking Ceremony ng Executive Building ng pamahalaang bayanBunga ng magandang ugnayan at samahan ni Mayor Henry Joel Teves at ni Governor… Read more: Groundbreaking Ceremony ng Executive Building ng pamahalaang bayan
- National Women’s Month, ipinagdiwang sa Bayan ng NaujanMasayang ipinagdiwang sa Bayan ng Naujan ang National Women’s Month Celebration na may temang… Read more: National Women’s Month, ipinagdiwang sa Bayan ng Naujan