Masayang ipinagdiwang sa Bayan ng Naujan ang National Women’s Month Celebration na may temang “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas” sa pamamagitan ng isang simpleng programa noong Marso 20, 2025 sa Mena G. Valencia Gymnasium.

Ang naturang programa ay personal na dinaluhan ni Punumbayan Henry Joel Teves kung saan ito ay pinadaloy naman ng tanggapan ng MSWDO sa pangangasiwa ni MSWD Officer Abstenencia De Guzman katuwang sina Women’s Focal Enola Gay Gardoce at SB Committee on Social Welfare Development Chairperson Konsehala Vilma “Ate Vi” Vargas.
Isa sa naging highlight ng programa at pinaka-inabangan ng lahat ay ang search for Ms. NauJuana 2025 na nilahukan ng anim (6) na kandidata mula sa iba’t ibang barangay. Kabilang sa kanila ay sina Leonora Asinas ng Poblacion 2, Olive Geneta ng Antipolo, Marinel Rucio ng Nag-Iba 1, Lady Cressia Clerigo ng Santiago, Jolly Ann Mame ng Malinao, at Sheryl Fabian ng Kalinisan.

Dahil sa ipinamalas na ganda, talino at galing ni Lady Cressia Clerigo ay nakamit niya ang titulo at naiuwi ang korona ng Ms. NauJuana 2025. Tinanghal naman na 1st Runner Up si Marinel Rucio at 2nd Runner Up naman si Sheryl Fabian.
Narito naman ang mga special/minor awards:
- Best in Production Number: Nag-Iba 1
- Best in Casual Wear: Kalinisan
- Best in Sports Wear: Kalinisan
- Best in Talent: Nag-Iba 1
- Best in Filipiñiana Attire: Santiago
- Ms. Congeniality: Nag-Iba 1
- Ms. Photogenic: Malinao
- People’s Choice Award: Santiago

Nagsilbi namang mga hurado sa nasabing patimpalak sina Master Teacher II Arnol Rosales, Mary Ann Pante ng MDRRMO, at Bb. Naujan 2022 1st Runner Up Erica Mae Sarabia.
Samantala, naging mahalahang bahagi rin ng programa ang oryentasyon tungkol sa Anti-Online Sexual Abuse at Anti-Child Sexual Abuse and Exploitation Material na isinagawa ng mga panauhin mula Regional Anti-Cyber Crime Unit na sina PMS Maria Fe G. Ramirez at PMSg Alvin R. Atilano.

Dumalo at nakiisa rin dito ang mga Department Heads ng pamahalaang bayan sa pangunguna ni OIC Municipal Administrator May Mañibo, Municipal Accountant Carina Corro, Municipal Treasurer Ivy Hernandez, MDRRMO Joery M. Geroleo, Municipal Engineer Precy Olmos, Municipal Registrar Rhodeliza Peñarroyo at Municipal Health Officer Mary Jean Manalo.
#NationalWomensMonth
#SerbisyongTHEBEST
- LTO Caravan sa Distrito Syete, 237 ang natulungan na magkaroon ng Student Driver’s PermitAng Bayan ng Naujan ang bayan sa buong Lalawigan ng Oriental Mindoro ang may… Read more: LTO Caravan sa Distrito Syete, 237 ang natulungan na magkaroon ng Student Driver’s Permit
- Flood Control Project sa Barangay San JoseBinisita ni Mayor Henry Joel Teves ang kasalukuyang ginagawang Flood Control Project na Mega… Read more: Flood Control Project sa Barangay San Jose
- Mga kawani ng MHO at iba pang responders, sumailalim sa Nutrition in Emergencies TrainingPatuloy ang pagsusulong ng Pamahalaang Bayan ng Naujan sa pangunguna ni Mayor Henry Joel… Read more: Mga kawani ng MHO at iba pang responders, sumailalim sa Nutrition in Emergencies Training
- Mga wheelchairs, handog ni Mayor Teves sa mga nangangailanganPersonal na ipinagkaloob ni Mayor Henry Joel Teves ang mga wheelchairs sa mga dating… Read more: Mga wheelchairs, handog ni Mayor Teves sa mga nangangailangan
- Bagong THE BEST Health Center sa Barangay San PedroBukod sa mga proyektong road opening, mga solar streetlights, repair ng lumang health center… Read more: Bagong THE BEST Health Center sa Barangay San Pedro
- Mayor Teves, lumiham sa Highway Patrol GroupUpang patuloy na maitaguyod ang Serbisyong THE BEST at mapabuti ang kalagayan ng ating… Read more: Mayor Teves, lumiham sa Highway Patrol Group
- Groundbreaking Ceremony ng Executive Building ng pamahalaang bayanBunga ng magandang ugnayan at samahan ni Mayor Henry Joel Teves at ni Governor… Read more: Groundbreaking Ceremony ng Executive Building ng pamahalaang bayan
- National Women’s Month, ipinagdiwang sa Bayan ng NaujanMasayang ipinagdiwang sa Bayan ng Naujan ang National Women’s Month Celebration na may temang… Read more: National Women’s Month, ipinagdiwang sa Bayan ng Naujan