“Mula sa puso ko, kung magkakaroon man ako ng panibagong second term ang gusto kong makasama ay kayo pa rin… Hindi ko kayo makakalimutan, kahit anuman ang mangyari sa darating na election, mahal ko pa rin kayong mga department heads ko. Salamat dahil nagkasama-sama tayo, kahit sa maigsing panahon ay ipinakita ninyo na mahal ninyo rin ako.”

Ito ang bahagi ng emosyunal na mensahe ni Mayor Henry Joel Teves ng kaniyang pangunahan ang unang araw ng Annual Performance Planning and Review Conference (APPRC) ng mga opisyal at pinuno ng departamento/yunit/programa ng Pamahalaang Bayan ng Naujan noong Marso 17 sa Bayan ng Puerto Galera.
Pinasalamatan din ni Mayor Henry Joel Teves ang mga department/unit/program heads sa magandang performance ng mga ito. Ayon pa sa kaniya, hindi magagawa ng mga kawani ng pamahalaang bayan ang kanilang mga gawain kundi dahil sa gabay ng mga ito na aniya ay katuwang niya sa paglilingkod at sa paghahatid ng mga Serbisyong THE BEST. Dagdag pa niya, kaya nakamit ang mga karangalan ay dahil sa magagaling na mga Department Heads.



Sinabi din ni Mayor Teves na hindi siya magaling at sa mga department/unit/program heads lamang niya natutunan ang pagpapatakbo ng munisipyo. Binigyang diin din niya na sa mga ito siya kumukuha ng lakas ng loob para makuha ang mga karangalang nakamit ng bayan at dahil dito ay lalo pang mas mapapalapit ang kaniyang kalooban para maglingkod sa bayan.
Sa ngalan naman ng Pamahalaang Bayan ng Puerto Galera ay taus-pusong ini-welcome ni Vice Mayor Marlon Lopez ang mga dumalo dito. Nakiisa at nagbigay din ng kaniyang mensahe ng suporta sa gawaing ito si Vice Mayor Great Delos Reyes.



Ang APPRC ay isinasagawa taun-taon upang ipresenta at suriin ang mga nagawa ng bawat tanggapan noong 2024 at upang ilahad ang mga plano, mga pangako, at magtakda ng mga estratehikong layunin para sa kasalukuyang taong 2025, upang matiyak ang patuloy na kahusayan sa pagpapalaganap at paghahatid ng mga THE BEST na serbisyo.
#APPRC2025
#TapatNaPamamahala
#SerbisyongTHEBEST
- LTO Caravan sa Distrito Syete, 237 ang natulungan na magkaroon ng Student Driver’s PermitAng Bayan ng Naujan ang bayan sa buong Lalawigan ng Oriental Mindoro ang may… Read more: LTO Caravan sa Distrito Syete, 237 ang natulungan na magkaroon ng Student Driver’s Permit
- Flood Control Project sa Barangay San JoseBinisita ni Mayor Henry Joel Teves ang kasalukuyang ginagawang Flood Control Project na Mega… Read more: Flood Control Project sa Barangay San Jose
- Mga kawani ng MHO at iba pang responders, sumailalim sa Nutrition in Emergencies TrainingPatuloy ang pagsusulong ng Pamahalaang Bayan ng Naujan sa pangunguna ni Mayor Henry Joel… Read more: Mga kawani ng MHO at iba pang responders, sumailalim sa Nutrition in Emergencies Training
- Mga wheelchairs, handog ni Mayor Teves sa mga nangangailanganPersonal na ipinagkaloob ni Mayor Henry Joel Teves ang mga wheelchairs sa mga dating… Read more: Mga wheelchairs, handog ni Mayor Teves sa mga nangangailangan
- Bagong THE BEST Health Center sa Barangay San PedroBukod sa mga proyektong road opening, mga solar streetlights, repair ng lumang health center… Read more: Bagong THE BEST Health Center sa Barangay San Pedro
- Mayor Teves, lumiham sa Highway Patrol GroupUpang patuloy na maitaguyod ang Serbisyong THE BEST at mapabuti ang kalagayan ng ating… Read more: Mayor Teves, lumiham sa Highway Patrol Group
- Groundbreaking Ceremony ng Executive Building ng pamahalaang bayanBunga ng magandang ugnayan at samahan ni Mayor Henry Joel Teves at ni Governor… Read more: Groundbreaking Ceremony ng Executive Building ng pamahalaang bayan
- National Women’s Month, ipinagdiwang sa Bayan ng NaujanMasayang ipinagdiwang sa Bayan ng Naujan ang National Women’s Month Celebration na may temang… Read more: National Women’s Month, ipinagdiwang sa Bayan ng Naujan