Isa na namang bagong THE BEST Health Center ang pinasinayaan ni Mayor Henry Joel Teves sa Barangay Dao noong Marso 6 katuwang si Punong Barangay Leonante De Guzman.
“Mahal ko po ang Bayan ng Naujan. Noong tayo ay pumasok sa pulitika ay may kaunti po tayong ipon, ngayon ay nauubos na dahil hindi tayo kailangan magpayaman dito. Kailangang maramdaman ng tao na tulong ‘yung ibinibigay natin. Ibibigay ko ‘yung dapat,” ang bahagi ng mensahe ni Mayor Teves.

“Ito pong proyektong ito ay talagang ipinagkaloob po ‘yan ni Mayor Teves upang magkaroon tayo ng magandang Health Center kaya lubos po ang ating pasasalamat sa kaniya,” ang mensahe ni Kapitan De Guzman. “Siguro hindi lamang po ito ang ibibigay niya sa atin kaya pagsama-samahan po natin si Mayor,” ayon pa sa kaniya.



Bahagi pa rin ito ng tuluy-tuloy na paghahatid ng mga THE BEST at mas epektibong #SerbisyongPangkalusugan sa mga barangay upang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat isang mamamayan.
Ang naturang proyekto ay nagmula pa rin sa pamahalaang bayan na nilaanan ng pondo ng Punumbayan at isa sa mga naging prayoridad ng kaniyang administrasyon.
#SerbisyongTHEBEST
- THE BEST Health Center ng Malaya, handa nang maghatid ng mga THE BEST na Serbisyong Pangkalusugan sa barangayPormal nang pinasinayaan ang bago at modernong THE BEST Health Center ng Barangay Malaya… Read more: THE BEST Health Center ng Malaya, handa nang maghatid ng mga THE BEST na Serbisyong Pangkalusugan sa barangay
- Kahilingan ni Mayor Teves na bagong Ambulansya, pormal nang ipinagkaloob ng DOHMalugod na tinanggap ni Mayor Henry Joel Teves ang bagong ambulansya na kaniyang hiniling… Read more: Kahilingan ni Mayor Teves na bagong Ambulansya, pormal nang ipinagkaloob ng DOH
- Inagurasyon ng Bagong THE BEST Health Center ng Barangay Nag-Iba I“Napakasarap maglingkod lalo na kung maraming natutulungan. Masaya ako dahil nakakatulong ako sa maraming… Read more: Inagurasyon ng Bagong THE BEST Health Center ng Barangay Nag-Iba I
- Seawall at Flood Control Project sa Barangay Melgar A, Melgar B at San Jose, tuluy-tuloy ang konstruksyonUpang masiguradong tuluy-tuloy ang konstruksyon at nasusunod ang tamang pamantayan at kalidad ng proyektong… Read more: Seawall at Flood Control Project sa Barangay Melgar A, Melgar B at San Jose, tuluy-tuloy ang konstruksyon
- CART Nationwide Frontline Service InspectionBilang tugon sa ARTA Advisory No. 2025-11, nagsagawa ang Committee on Anti-Red Tape (CART)… Read more: CART Nationwide Frontline Service Inspection
- Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2026 ng Bayan ng Naujan, napagtibay na!Bunga ng aktibong pakikilahok at pakikisangkot ng mga kasapi ng Municipal Development Council (MDC)… Read more: Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2026 ng Bayan ng Naujan, napagtibay na!
- Community Outreach Program ng Naujan Employees Association, Matagumpay!Matagumpay na naisagawa ngayong araw, May 20, 2025, ang Community Outreach Program ng Naujan… Read more: Community Outreach Program ng Naujan Employees Association, Matagumpay!
- Mga bagong halal na opisyal ng Bayan ng Naujan, iprinoklama na!Pormal nang iprinoklama ng Commission on Election ang mananatiling Mayor ng Naujan – Mayor… Read more: Mga bagong halal na opisyal ng Bayan ng Naujan, iprinoklama na!