Handa ng maghatid ng mga THE BEST at mas epektibong #SerbisyongPangkalusugan ang bagong gawang modernong Health Center sa Barangay Adrialuna matapos itong pormal nang pasinayaan ni Mayor Henry Joel Teves katuwang si Punong Barangay Belto Reyes noong Marso 5.

“Ang gusto ko ay nakikita at nararamdaman ng mga tao yung mga proyektong gagawin natin. Yung walang corruption, deretso sa tao ang tulong natin. Hindi natin pababayaan ang mamamayang Naujeño,” ang mensahe ni Mayor Teves.
Sa ngalan naman ng Sangguniang Barangay ng Adrialuna at mamamayan nito, taus pusong nagpasalamat si Kapitan Reyes dahil ang kanilang pangarap na Health Center ay nabigyan ng katuparan. “Maraming maraming salamat po Mayor Henry Joel Teves sa napakalaking biyaya para aming barangay,” dagdag pa niya.



“Ako po ay tunay na saksi sa ating Mayor. Hindi man siya mahilig sa mga mabulaklak at mapambolang mga pananalita, binawi naman niya po sa mga gawang makabuluhan at maraming programa at sa hinaharap ay gagawin pa sa Bayan ng Naujan,” mensahe pa ni Kapitan Reyes.
Ang naturang proyekto ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ni Mayor Teves na maihatid sa bawat barangay ang mga THE BEST na Serbisyo upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan. Ito ay nagmula sa pamahalaang bayan na nilaanan ng pondo ng Punumbayan at isa sa mga naging prayoridad ng kasalukuyang administrasyon.
#SerbisyongTHE BEST
- THE BEST Health Center ng Malaya, handa nang maghatid ng mga THE BEST na Serbisyong Pangkalusugan sa barangayPormal nang pinasinayaan ang bago at modernong THE BEST Health Center ng Barangay Malaya… Read more: THE BEST Health Center ng Malaya, handa nang maghatid ng mga THE BEST na Serbisyong Pangkalusugan sa barangay
- Kahilingan ni Mayor Teves na bagong Ambulansya, pormal nang ipinagkaloob ng DOHMalugod na tinanggap ni Mayor Henry Joel Teves ang bagong ambulansya na kaniyang hiniling… Read more: Kahilingan ni Mayor Teves na bagong Ambulansya, pormal nang ipinagkaloob ng DOH
- Inagurasyon ng Bagong THE BEST Health Center ng Barangay Nag-Iba I“Napakasarap maglingkod lalo na kung maraming natutulungan. Masaya ako dahil nakakatulong ako sa maraming… Read more: Inagurasyon ng Bagong THE BEST Health Center ng Barangay Nag-Iba I
- Seawall at Flood Control Project sa Barangay Melgar A, Melgar B at San Jose, tuluy-tuloy ang konstruksyonUpang masiguradong tuluy-tuloy ang konstruksyon at nasusunod ang tamang pamantayan at kalidad ng proyektong… Read more: Seawall at Flood Control Project sa Barangay Melgar A, Melgar B at San Jose, tuluy-tuloy ang konstruksyon
- CART Nationwide Frontline Service InspectionBilang tugon sa ARTA Advisory No. 2025-11, nagsagawa ang Committee on Anti-Red Tape (CART)… Read more: CART Nationwide Frontline Service Inspection
- Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2026 ng Bayan ng Naujan, napagtibay na!Bunga ng aktibong pakikilahok at pakikisangkot ng mga kasapi ng Municipal Development Council (MDC)… Read more: Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2026 ng Bayan ng Naujan, napagtibay na!
- Community Outreach Program ng Naujan Employees Association, Matagumpay!Matagumpay na naisagawa ngayong araw, May 20, 2025, ang Community Outreach Program ng Naujan… Read more: Community Outreach Program ng Naujan Employees Association, Matagumpay!
- Mga bagong halal na opisyal ng Bayan ng Naujan, iprinoklama na!Pormal nang iprinoklama ng Commission on Election ang mananatiling Mayor ng Naujan – Mayor… Read more: Mga bagong halal na opisyal ng Bayan ng Naujan, iprinoklama na!