Dumating sa Bayan ng Naujan ang mga kinatawan ni Congresswoman Marissa “Del Mar” Magsino ng One Filipinos Worldwide (OFW) Partylist noong Marso 5. Layun ng kanilang pagdating ay upang bisitahin ang ginagawang Multi-Purpose Building (Evacuation Center) sa Barangay Tigkan na personal na hiniling ni Mayor Henry Joel Teves kay Congresswoman Magsino.

Malugod silang tinanggap ni Mayor Teves at ng Sangguniang Barangay ng Tigkan sa pangunguna ni Punong Barangay Mario Umandal at taos-pusong nagpasalamat kay Congresswoman Magsino sa pagbibigay ng proyektong ito. Todo-suporta rin ang iba pang Sangguniang Barangay ng Distrito Otso at mga mamamayan ng Barangay Tigkan.
“Sabi ko nga sa mga Barangay Captain, mag-invest tayo ng mga lupa sa inyong barangay at kung tayo ay may malalapitan para sa proyekto sa inyong barangay ay lupa ang hinahanap. Kaya hindi po ako nag-atubiling humingi ng tulong kay Congresswoman Marissa “Del Mar” Magsino at hindi rin tayo nagdalawang salita at binigyan tayo ng pondo para sa gusaling ito,” ang mensahe ni Mayor Teves.
“Hindi tayo nahihiyang humingi basta para sa mga pangangailan ng barangay at mga mamamayang Naujeño,” ayon pa kay Mayor Teves.



“Mula po ng kami ay maging barangay officials, kami ay nagsimulang mangarap na sana sa mga darating na panahon kami ay mabigyan o magkalooban ng ganitong napakalaking proyekto,” ayon kay Kapitan Umandal.
“Dati ay pinangarap lamang namin at hindi inakala na makakamtan namin at mabibigyan ng katuparan sa pamamagitan po ni Mayor Henry Joel Teves at ang atin pong OFW Partylist na talagang may pagkalinga at malasakit sa bawat laylayan ng lipunan,” ayon pa sa kaniya.
“Kung hindi dahil sa malasakit ni Mayor Teves, wala kaming proyektong ganito,” dagdag pa ni Kapitan Umandal.

Matatandaang noong Mayo ng nakaraang taon ay isinagawa ang groundbreaking ceremony ng naturang proyekto at sa kasalukuyan ay unti-unti nang nakikita ang maganda, matibay at perpektong pagkakagawa nito na masisiguradong ligtas ang mamamayan ng Barangay ng Tigkan.
Ang proyektong Multi-Purpose Building (Evacuation Center) sa Barangay Tigkan ay bunga ng patuloy na pagsisikap ni Mayor Teves na maibigay ang pangangailangan ng mga barangay at maitaguyod ang kapakanan ng bawat mamamayang Naujeño.
- THE BEST Health Center ng Malaya, handa nang maghatid ng mga THE BEST na Serbisyong Pangkalusugan sa barangayPormal nang pinasinayaan ang bago at modernong THE BEST Health Center ng Barangay Malaya… Read more: THE BEST Health Center ng Malaya, handa nang maghatid ng mga THE BEST na Serbisyong Pangkalusugan sa barangay
- Kahilingan ni Mayor Teves na bagong Ambulansya, pormal nang ipinagkaloob ng DOHMalugod na tinanggap ni Mayor Henry Joel Teves ang bagong ambulansya na kaniyang hiniling… Read more: Kahilingan ni Mayor Teves na bagong Ambulansya, pormal nang ipinagkaloob ng DOH
- Inagurasyon ng Bagong THE BEST Health Center ng Barangay Nag-Iba I“Napakasarap maglingkod lalo na kung maraming natutulungan. Masaya ako dahil nakakatulong ako sa maraming… Read more: Inagurasyon ng Bagong THE BEST Health Center ng Barangay Nag-Iba I
- Seawall at Flood Control Project sa Barangay Melgar A, Melgar B at San Jose, tuluy-tuloy ang konstruksyonUpang masiguradong tuluy-tuloy ang konstruksyon at nasusunod ang tamang pamantayan at kalidad ng proyektong… Read more: Seawall at Flood Control Project sa Barangay Melgar A, Melgar B at San Jose, tuluy-tuloy ang konstruksyon
- CART Nationwide Frontline Service InspectionBilang tugon sa ARTA Advisory No. 2025-11, nagsagawa ang Committee on Anti-Red Tape (CART)… Read more: CART Nationwide Frontline Service Inspection
- Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2026 ng Bayan ng Naujan, napagtibay na!Bunga ng aktibong pakikilahok at pakikisangkot ng mga kasapi ng Municipal Development Council (MDC)… Read more: Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2026 ng Bayan ng Naujan, napagtibay na!
- Community Outreach Program ng Naujan Employees Association, Matagumpay!Matagumpay na naisagawa ngayong araw, May 20, 2025, ang Community Outreach Program ng Naujan… Read more: Community Outreach Program ng Naujan Employees Association, Matagumpay!
- Mga bagong halal na opisyal ng Bayan ng Naujan, iprinoklama na!Pormal nang iprinoklama ng Commission on Election ang mananatiling Mayor ng Naujan – Mayor… Read more: Mga bagong halal na opisyal ng Bayan ng Naujan, iprinoklama na!