Bilang panimula ng panibagong linggo ng paghahatid ng mga Serbisyong THE BEST, pinangunahan ni Mayor Henry Joel Teves ang isinagawang traditional Monday flag ceremony ngayong Marso 3 kung saan ay muling ibinida ng mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Bayan ng Naujan ang kanilang ASEAN inspired attire upang ipaalala ang sama-samang pangako sa kapayapaan, pagkakaisa, at pag-unlad.

Kaugnay nito, binigyan ni Mayor Teves ng P1,000.00 bawat isa ang sampung (10) kawani na nangibabaw ang ganda at porma na may pinakamagandang kasuotan bilang pagpapahalaga sa kanilang effort at dedikasyon sa pagsunod dito. Ang 10 mapalad na kawani ay ang mga sumusunod:
- Aloysius Pesigan – PESO
- Gregwil Llamoso – Market Operation
- Karla Garing – MPDO
- Ma. Luisa Peñarroyo – IAS
- Marconi Signo – MGSO
- Raj Alona Bugao – Tourism Office
- Neysie Nambayan – Linis Bayan
- Nilda De Guzman – MDRRMO
- Ma. Cristina Reyes – MCRO
- Sammy Magnaye – MAgO


Ang pagsusuot ng ASEAN inspired attire tuwing unang Lunes ng bawat buwan ay bilang pagsunod sa Memorandum 24-164 na inilabas ng Punumbayan at alinsunod din sa itinakda ng Civil Service Commission (CSC) sa Memorandum Circular Blg. 16, Serye ng 2024 na ang lahat ng mga opisyal at kawani ng gobyerno ay inaatasang magsuot nito upang mapanatili ang isang pamantayan ng propesyonalismo at pagkakapareho sa mga ahensya ng gobyerno.
Dumalo at nakiisa rin sa gawaing ito ang mga personnel ng Naujan Municipal Police Station, Naujan District Jail, Naujan Fire Station at mga mag-aaral na nagsasagawa ng Work Immersion Program at On-the-Job Training sa pamahalaang bayan.
- THE BEST Health Center ng Malaya, handa nang maghatid ng mga THE BEST na Serbisyong Pangkalusugan sa barangayPormal nang pinasinayaan ang bago at modernong THE BEST Health Center ng Barangay Malaya… Read more: THE BEST Health Center ng Malaya, handa nang maghatid ng mga THE BEST na Serbisyong Pangkalusugan sa barangay
- Kahilingan ni Mayor Teves na bagong Ambulansya, pormal nang ipinagkaloob ng DOHMalugod na tinanggap ni Mayor Henry Joel Teves ang bagong ambulansya na kaniyang hiniling… Read more: Kahilingan ni Mayor Teves na bagong Ambulansya, pormal nang ipinagkaloob ng DOH
- Inagurasyon ng Bagong THE BEST Health Center ng Barangay Nag-Iba I“Napakasarap maglingkod lalo na kung maraming natutulungan. Masaya ako dahil nakakatulong ako sa maraming… Read more: Inagurasyon ng Bagong THE BEST Health Center ng Barangay Nag-Iba I
- Seawall at Flood Control Project sa Barangay Melgar A, Melgar B at San Jose, tuluy-tuloy ang konstruksyonUpang masiguradong tuluy-tuloy ang konstruksyon at nasusunod ang tamang pamantayan at kalidad ng proyektong… Read more: Seawall at Flood Control Project sa Barangay Melgar A, Melgar B at San Jose, tuluy-tuloy ang konstruksyon
- CART Nationwide Frontline Service InspectionBilang tugon sa ARTA Advisory No. 2025-11, nagsagawa ang Committee on Anti-Red Tape (CART)… Read more: CART Nationwide Frontline Service Inspection
- Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2026 ng Bayan ng Naujan, napagtibay na!Bunga ng aktibong pakikilahok at pakikisangkot ng mga kasapi ng Municipal Development Council (MDC)… Read more: Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2026 ng Bayan ng Naujan, napagtibay na!
- Community Outreach Program ng Naujan Employees Association, Matagumpay!Matagumpay na naisagawa ngayong araw, May 20, 2025, ang Community Outreach Program ng Naujan… Read more: Community Outreach Program ng Naujan Employees Association, Matagumpay!
- Mga bagong halal na opisyal ng Bayan ng Naujan, iprinoklama na!Pormal nang iprinoklama ng Commission on Election ang mananatiling Mayor ng Naujan – Mayor… Read more: Mga bagong halal na opisyal ng Bayan ng Naujan, iprinoklama na!