
Personal nang nakipag-ugnayan kay Mayor Henry Joel Teves ngayong Huwebes ng hapon, Pebrero 20, si Rommel Tiamson na siyang Operation Manager ng LCT Poseidon 12 na barkong nagkaroon ng engine trouble sa karagatang nasasakupan ng Bayan ng Naujan noong Pebrero 19.
Binigyang linaw ni Tiamson na ang kanilang barko ay nagmula sa Maynila at ito ay direktang patungo sa Palawan para ihatid ang mga dump truck at heavy equipment na karga nito at hindi nila destinasyon ang Bayan ng Naujan o alinmang bayan sa Oriental Mindoro. Nagkaroon lamang aniya ng aberya ang isang makina ng barko at nagdesisyon ang Kapitan nito na mag-shelter na muna para ito ay ikumponi at ayusin ang nasirang makina, nagkataon lamang aniya na dito napatapat sa nasasakupan ng Naujan.

Nilinaw din niya na hindi sila involved sa construction business kundi sa transportation, sila aniya ang naghahatid ng mga equipment ng mga nagre-renta sa kanila from one point to another point within the Philippine area. Binigyang diin din niya na itong karagatan ng Oriental Mindoro ang talagang dinadaanan nila patungong Palawan.
Humingi din ng pasensya si Tiamson kay Mayor Teves dahil nagkaroon na pala ito ng mga negative impact sa social media at local media. Dagdag pa niya, nagkaroon lamang ng delay ang pagsasaayos ng nasirang makina dahil ang mga kailangang pyesa ay hindi available sa barko kaya binili pa sa Maynila. Kinumpirma din niya na sa mga oras na iyon ay maayos na ang makina ng barko at anumang oras ay mabyahe na sila basta payagan sila ng Coast Guard na maglayag na.

Lubos din ang kaniyang pasasalamat sa Punong Barangay ng Estrella at sa mga tao na naging concerned na inalam ang kundisyon ng kanilang barko at mga crew nito kung mayroong naging ibang problema bukod sa makina. Taus-puso rin ang kaniyang pasasalamat kay Mayor Teves dahil tumutulong sa mga nangangailangan ng tulong, binigyan aniya ng serbisyo ang kaniyang mga crew para makababa at makapunta sa mga concerned agencies. “Kumbaga serbisyon talaga si Mayor dito, na galing sa puso niya ang pagtulong sa anumang emergency hindi lamang sa mga taga Naujan”, dagdag pa ni Tiamson.
Samantala, sinabi din niya sa Naujan PIO na ang kanilang mga crew ay puro mga Pilipino at karamihan dito ay mga tubong Bisaya. Ito ay upang pabulaanan ang mga komento sa social media na baka mga Chinese ang sakay nito.
- AGENCY PERFORMANCE PLANNING AND REVIEW CONFERENCE (APPRC)Pinangunahan ni Mayor Henry Joel Teves ang pagsisimula ng tatlong (3) araw na Agency… Read more: AGENCY PERFORMANCE PLANNING AND REVIEW CONFERENCE (APPRC)
- LTO CARAVAN SA DISTRITO SYETEBahagi ng nalalapit na pagdiriwang ng ika-6 na taong pagkakatatag ng Minisipyo sa Distrito… Read more: LTO CARAVAN SA DISTRITO SYETE
- THE BEST HEALTH CENTER NG BARANGAY DAOIsa na namang bagong THE BEST Health Center ang pinasinayaan ni Mayor Henry Joel… Read more: THE BEST HEALTH CENTER NG BARANGAY DAO
- MGA PROYEKTO SA BARANGAY MELGAR BPinangunahan ni Mayor Henry Joel Teves katuwang si Punong Barangay Lito Palomera ang pagpapasinaya… Read more: MGA PROYEKTO SA BARANGAY MELGAR B
- BAGONG THE BEST HEALTH CENTER SA BARANGAY ADRIALUNA, PORMAL NANG PINASINAYAANHanda ng maghatid ng mga THE BEST at mas epektibong #SerbisyongPangkalusugan ang bagong gawang… Read more: BAGONG THE BEST HEALTH CENTER SA BARANGAY ADRIALUNA, PORMAL NANG PINASINAYAAN
- MGA KINATAWAN NG OFW PARTYLIST, BUMISITA SA BAYAN NG NAUJANDumating sa Bayan ng Naujan ang mga kinatawan ni Congresswoman Marrissa “Del Mar” Magsino… Read more: MGA KINATAWAN NG OFW PARTYLIST, BUMISITA SA BAYAN NG NAUJAN
- MGA OPISYAL AT KAWANI NG PAMAHALAANG BAYAN, IBINIDA ANG KANILANG ASEAN INSPIRED ATTIRE SA ISINAGAWANG MONDAY FLAG CEREMONYBilang panimula ng panibagong linggo ng paghahatid ng mga Serbisyong THE BEST, pinangunahan ni… Read more: MGA OPISYAL AT KAWANI NG PAMAHALAANG BAYAN, IBINIDA ANG KANILANG ASEAN INSPIRED ATTIRE SA ISINAGAWANG MONDAY FLAG CEREMONY
- BIRTHDAY INCENTIVE PARA SA MGA SENIOR CITIZENS, HANDOG NI MAYOR TEVESPinangunahan ni Mayor Henry Joel Teves katuwang si Private Secretary Jing Mortel ang ginawang… Read more: BIRTHDAY INCENTIVE PARA SA MGA SENIOR CITIZENS, HANDOG NI MAYOR TEVES