
Nag-viral sa isang post sa social media ang isang barko na nakatigil sa karagatan ng Barangay Estrella noong Pebrero 19 na umani ng iba’t-ibang komento at haka-haka mula sa mga netizens. Ayon sa post, “According to sources, the big trucks will be offloaded anytime soon to haul gravel and sand from somewhere in the province.” Sabi pa sa isang post, “Makikitang sakay nito ang mga truck na hinihinalang may kargang buhangin.” Ayon naman sa isang komento, “Naku kawawa Ang mamayan Jan Kapag di Yan naaksyunan kaagad nagmimina Yan parang barko daw nang china yan.”


Subalit ang mga post at komentong ito ay pawang walang katotohan dahil sa pakikipag-ugnayan ni Mayor Henry Joel Teves sa Philippine Coast Guard (PCG) Calapan City na naka-base sa Bayan ng Naujan ay napag-alaman na ang naturang barko ay isa lamang cargo vessel na galing sa Maynila at patungo sana ng Palawan nang ito ay magkaroon ng engine trouble sa karagatan ng Barangay Estrella.


Ayon sa PCG Calapan, ang barkong nasiraan ay ang LCT Poseidon 12 ng Concrete Solutions, Inc. ng Mandaue City sakay ang 18 crew at may kargang 10 dump truck, 5 backhoe at 1 Toyota Grandia na ide-deliver sa Bataraza, Palawan. Dagdag pa nila, walang kinalaman ang barko na ito sa mga malalaking barko na namataan sa Bulalacao at sa ilang bayan sa Occidental Mindoro nitong mga nakaraang araw. Ayon naman sa Chief Engineer ng barko ay kasalukuyan pa itong inaayos kaya hindi pa sila makapagpatuloy sa kanilang byahe

Kaagad din inalam ni Mayor Teves kung kaninong pagmamay-ari ang LTC Poseidon 12 at siya ay nakipag-ugnayan dito. Tumugon naman ang may-ari at sinabing siya ay personal na makikipag-koordinasyon sa tanggapan ng Punumbayan bukas, Pebrero 20.

Hinihiling naman ng pamahalaang bayan na huwag kaagad magpakalat ng maling impormasyon at huwag basta-basta maniwala sa mga hindi lehitimong impormasyon para maiwasan ang fake news. Kung mayroong kakaibang pangyayari sa inyong lugar, maaari po kayong makipag-ugnayan sa ating mga kinauukulan.
Ang ibang larawan ay mula sa Facebook at screenshots ng post.
- THE BEST Health Center ng Malaya, handa nang maghatid ng mga THE BEST na Serbisyong Pangkalusugan sa barangayPormal nang pinasinayaan ang bago at modernong THE BEST Health Center ng Barangay Malaya… Read more: THE BEST Health Center ng Malaya, handa nang maghatid ng mga THE BEST na Serbisyong Pangkalusugan sa barangay
- Kahilingan ni Mayor Teves na bagong Ambulansya, pormal nang ipinagkaloob ng DOHMalugod na tinanggap ni Mayor Henry Joel Teves ang bagong ambulansya na kaniyang hiniling… Read more: Kahilingan ni Mayor Teves na bagong Ambulansya, pormal nang ipinagkaloob ng DOH
- Inagurasyon ng Bagong THE BEST Health Center ng Barangay Nag-Iba I“Napakasarap maglingkod lalo na kung maraming natutulungan. Masaya ako dahil nakakatulong ako sa maraming… Read more: Inagurasyon ng Bagong THE BEST Health Center ng Barangay Nag-Iba I
- Seawall at Flood Control Project sa Barangay Melgar A, Melgar B at San Jose, tuluy-tuloy ang konstruksyonUpang masiguradong tuluy-tuloy ang konstruksyon at nasusunod ang tamang pamantayan at kalidad ng proyektong… Read more: Seawall at Flood Control Project sa Barangay Melgar A, Melgar B at San Jose, tuluy-tuloy ang konstruksyon
- CART Nationwide Frontline Service InspectionBilang tugon sa ARTA Advisory No. 2025-11, nagsagawa ang Committee on Anti-Red Tape (CART)… Read more: CART Nationwide Frontline Service Inspection
- Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2026 ng Bayan ng Naujan, napagtibay na!Bunga ng aktibong pakikilahok at pakikisangkot ng mga kasapi ng Municipal Development Council (MDC)… Read more: Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2026 ng Bayan ng Naujan, napagtibay na!
- Community Outreach Program ng Naujan Employees Association, Matagumpay!Matagumpay na naisagawa ngayong araw, May 20, 2025, ang Community Outreach Program ng Naujan… Read more: Community Outreach Program ng Naujan Employees Association, Matagumpay!
- Mga bagong halal na opisyal ng Bayan ng Naujan, iprinoklama na!Pormal nang iprinoklama ng Commission on Election ang mananatiling Mayor ng Naujan – Mayor… Read more: Mga bagong halal na opisyal ng Bayan ng Naujan, iprinoklama na!