
Noong Lunes ng umaga, Pebrero 17, isang nanay mula sa Barangay Santiago ang lumapit sa tanggapan ni Mayor Henry Joel Teves kasama ang kaniyang batang anak upang humingi ng tulong kaugnay ng pananakit sa kanila ng kaniyang kinakasama at sa paggamit nito ng ipinagbabawal na gamot. Hiniling niya sa Punumbayan na ito ay maaksyunan nang sa ganoon ay matigil na ang masamang gawain nito.
Dahil si Mayor Teves ay aksyon agad, kaagad siyang nakipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Oriental Mindoro Provincial Office at sa National Bureau of Investigation (NBI) MIMAROPA. Sa mga oras na iyon ay kaagad din kumilos ang mga operatiba at habang nasa tanggapan pa ng Punumbayan ang mag-ina ay nadakip na ang suspek at may isa pang kasama sa pamamagitan ng buy-bust operation sa Barangay Santiago kung saan nakuha sa kanila ang mga hinihinalang shabu at mga kagamitan sa paggamit nito.

Hiniling din ng mag-ina kay Mayor Teves na makauwi na sila sa kanilang probinsya at hindi nagdalawang-isip ang Punumbayan na ito ay tuparin at bigyan sila ng pamasahe papunta sa airport at pambili ng tiket sa eroplano pati na rin panggastos nilang mag-ina para na rin sa kanilang kapanatagan at kaligtasan.
Ang dalawang nadakip ng PDEA at NBI sa tulong ng Naujan Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU) at ng PNP-PDEU Oriental Mindoro ay pabalik-balik na sa piitan/kulungan at kabilang na rin sila sa mga na-tokhang noong hindi pa si Mayor Teves ang Punumbayan ayon na rin sa mga sa konsernadong ahensya.
Simula ng manungkulan si Mayor Teves bilang Punumbayan, ay tuluy-tuloy ang kaniyang aksyon at kampanya laban sa iligal na droga ganoon din ang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad dahil nais niya ang isang ligtas at mapayapang Naujan. Sa katunayan, idineklara at binigyang pagkilala ang Bayan ng Naujan mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang Drug-Free/Drug-Cleared Municipality noong Hulyo 19, 2024.


Labanan ang iligal na droga para sa kinabukasan ng mga kabataan, para sa bawat isang Naujeño at para sa Bayan ng Naujan.
- AGENCY PERFORMANCE PLANNING AND REVIEW CONFERENCE (APPRC)Pinangunahan ni Mayor Henry Joel Teves ang pagsisimula ng tatlong (3) araw na Agency… Read more: AGENCY PERFORMANCE PLANNING AND REVIEW CONFERENCE (APPRC)
- LTO CARAVAN SA DISTRITO SYETEBahagi ng nalalapit na pagdiriwang ng ika-6 na taong pagkakatatag ng Minisipyo sa Distrito… Read more: LTO CARAVAN SA DISTRITO SYETE
- THE BEST HEALTH CENTER NG BARANGAY DAOIsa na namang bagong THE BEST Health Center ang pinasinayaan ni Mayor Henry Joel… Read more: THE BEST HEALTH CENTER NG BARANGAY DAO
- MGA PROYEKTO SA BARANGAY MELGAR BPinangunahan ni Mayor Henry Joel Teves katuwang si Punong Barangay Lito Palomera ang pagpapasinaya… Read more: MGA PROYEKTO SA BARANGAY MELGAR B
- BAGONG THE BEST HEALTH CENTER SA BARANGAY ADRIALUNA, PORMAL NANG PINASINAYAANHanda ng maghatid ng mga THE BEST at mas epektibong #SerbisyongPangkalusugan ang bagong gawang… Read more: BAGONG THE BEST HEALTH CENTER SA BARANGAY ADRIALUNA, PORMAL NANG PINASINAYAAN
- MGA KINATAWAN NG OFW PARTYLIST, BUMISITA SA BAYAN NG NAUJANDumating sa Bayan ng Naujan ang mga kinatawan ni Congresswoman Marrissa “Del Mar” Magsino… Read more: MGA KINATAWAN NG OFW PARTYLIST, BUMISITA SA BAYAN NG NAUJAN
- MGA OPISYAL AT KAWANI NG PAMAHALAANG BAYAN, IBINIDA ANG KANILANG ASEAN INSPIRED ATTIRE SA ISINAGAWANG MONDAY FLAG CEREMONYBilang panimula ng panibagong linggo ng paghahatid ng mga Serbisyong THE BEST, pinangunahan ni… Read more: MGA OPISYAL AT KAWANI NG PAMAHALAANG BAYAN, IBINIDA ANG KANILANG ASEAN INSPIRED ATTIRE SA ISINAGAWANG MONDAY FLAG CEREMONY
- BIRTHDAY INCENTIVE PARA SA MGA SENIOR CITIZENS, HANDOG NI MAYOR TEVESPinangunahan ni Mayor Henry Joel Teves katuwang si Private Secretary Jing Mortel ang ginawang… Read more: BIRTHDAY INCENTIVE PARA SA MGA SENIOR CITIZENS, HANDOG NI MAYOR TEVES