
Isang espesyal na araw sa 40 na magkasintahan sa Bayan ng Naujan ang Pebrero 14 hindi lamang dahil sa Araw ng mga Puso kundi dahil sa araw na ito sila ay pinag-isang dibdib at binigkis ng pagmamahal nila sa isa’t-isa ni Mayor Henry Joel Teves sa matagumpay na isinagawang Kasalang Bayan noong Pebrero 14 na ginanap sa Naujan Central Business District (NCBD) sa Barangay Pinagsabangan I kung saan ang 30 pares sa kanila ay mga Katutubong Mangyan.


Hindi na naging isipin sa mga magkasintahan ang kanilang inihandang pagkain dahil libre na rin ito na handog ng Pamahalaang Bayan ng Naujan samantalang ang mga damit/kasuotan na kanilang ginamit ay libre rin na ipinagkaloob naman ng maybahay ng Punumbayan na si Monshie Malou Teves. Tumanggap din sila ng mga regalo mula kay Mayor Teves.


Lubos ang kasiyahan at pasasalamat ng mga bagong kasal dahil sa araw na ito sila ay ganap nang mag-asawa. Pasasalamat din ang ipinaabot ng kanilang mga magulang at maging ng kanilang mga ninong at ninang at lahat ng mga naging saksi sa kanilang pag-iisang dibdib.


Dumalo at nakiisa rin sa programang ito si Philippine Statistics Authority (PSA) MIMAROPA Regional Director Leni Rioflorido at mga kawani ng PSA, Vice Mayor Great Delos Reyes kasama ang ilan sa mga Kasapi ng Sangguniang Bayan, mga Department Heads at kawani ng pamahalaang bayan. Ang nasabing programa ay na magkakatuwang na pinangasiwaan ng Office of the Municipal Mayor, Municipal Civil Registrar (MCR) at Municipal Tourism Office.
- AGENCY PERFORMANCE PLANNING AND REVIEW CONFERENCE (APPRC)Pinangunahan ni Mayor Henry Joel Teves ang pagsisimula ng tatlong (3) araw na Agency… Read more: AGENCY PERFORMANCE PLANNING AND REVIEW CONFERENCE (APPRC)
- LTO CARAVAN SA DISTRITO SYETEBahagi ng nalalapit na pagdiriwang ng ika-6 na taong pagkakatatag ng Minisipyo sa Distrito… Read more: LTO CARAVAN SA DISTRITO SYETE
- THE BEST HEALTH CENTER NG BARANGAY DAOIsa na namang bagong THE BEST Health Center ang pinasinayaan ni Mayor Henry Joel… Read more: THE BEST HEALTH CENTER NG BARANGAY DAO
- MGA PROYEKTO SA BARANGAY MELGAR BPinangunahan ni Mayor Henry Joel Teves katuwang si Punong Barangay Lito Palomera ang pagpapasinaya… Read more: MGA PROYEKTO SA BARANGAY MELGAR B
- BAGONG THE BEST HEALTH CENTER SA BARANGAY ADRIALUNA, PORMAL NANG PINASINAYAANHanda ng maghatid ng mga THE BEST at mas epektibong #SerbisyongPangkalusugan ang bagong gawang… Read more: BAGONG THE BEST HEALTH CENTER SA BARANGAY ADRIALUNA, PORMAL NANG PINASINAYAAN
- MGA KINATAWAN NG OFW PARTYLIST, BUMISITA SA BAYAN NG NAUJANDumating sa Bayan ng Naujan ang mga kinatawan ni Congresswoman Marrissa “Del Mar” Magsino… Read more: MGA KINATAWAN NG OFW PARTYLIST, BUMISITA SA BAYAN NG NAUJAN
- MGA OPISYAL AT KAWANI NG PAMAHALAANG BAYAN, IBINIDA ANG KANILANG ASEAN INSPIRED ATTIRE SA ISINAGAWANG MONDAY FLAG CEREMONYBilang panimula ng panibagong linggo ng paghahatid ng mga Serbisyong THE BEST, pinangunahan ni… Read more: MGA OPISYAL AT KAWANI NG PAMAHALAANG BAYAN, IBINIDA ANG KANILANG ASEAN INSPIRED ATTIRE SA ISINAGAWANG MONDAY FLAG CEREMONY
- BIRTHDAY INCENTIVE PARA SA MGA SENIOR CITIZENS, HANDOG NI MAYOR TEVESPinangunahan ni Mayor Henry Joel Teves katuwang si Private Secretary Jing Mortel ang ginawang… Read more: BIRTHDAY INCENTIVE PARA SA MGA SENIOR CITIZENS, HANDOG NI MAYOR TEVES