
Pinangunahan ni Mayor Henry Joel Teves bilang Chairperson ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ang isinagawang 1st MDRRM Council Meeting para sa taong 2025 katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pangunguna ni LDRRMO Joery Geroleo na ginanap ngayong Enero 23.


Kabilang sa mga tinalakay sa naturang pagpupulong ay ang mga planong paghahanda na gagawin ng ilang myembro ng konseho para sa Palarong Panlalawigan 2025 na gaganapin dito sa Bayan ng Naujan sa Enero 29 hanggang Pebrero 1. Tinalakay din dito ang 2024 unexpended balance, mga planong idagdag na programa at proyekto at gayundin ang pag-aproba ng katitikan ng nakaraang pulong ng buong konseho.
Patuloy ang pagsusumikap ng Pamahalaang Bayan ng Naujan upang maisaayos ang mga plano at programa para sa ikabubuti ng lahat sa usapin ng Disaster Risk Reduction and Management sa pamamagitan ng tanggapan ng MDRRMO katuwang ang mga kasapi ng MDRRM Council upang matiyak ang ligtas at maayos na komunidad.