
Bahagi ng patuloy ng paghahatid ng mga THE BEST at mas epektibong #SerbisyongPangkalusugan sa mga barangay, isa na namang bagong gawang THE BEST Health Center ang pormal nang pinasinayahan ni Mayor Henry Joel Teves sa Barangay Mabini katuwang si Punong Barangay Norberto De Castro at Joana Valencia ngayong Enero 28.


Ang naturang proyekto ay nagmula sa pamahalaang bayan na nilaanan ng pondo ni Mayor Teves. Isa rin ito sa mga naging prayoridad ng kaniyang administrasyon na naglalayong mas mailapit pa ang mga serbisyong pangkalusugan na nararapat talaga para sa mamamayan.
Buong suporta rin na dumalo at nakiisa sa programang ito sina Executive Assistant Jojo De Villa, PIO/Tourism Coordinator Disoy Gillado at PESO Manager Aloysius Pesigan ganoon din ang mga bumubuo ng Sangguniang Barangay at mga mamamayan ng Barangay Mabini.