
Nagsagawa ng pagsisiyasat ang surveying team ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region IV-B MIMAROPA kasama ang Municipal Engineering Office nitong Enero 9 sa Barangay A at B kaugnay ng panukalang proyektong Seawall-Road Project sa mga naturang barangay na hiniling ni Mayor Henry Joel Teves kay Usec. Ariel Nepomuceno ng Office of Civil Defense (OCD).
Ang aktibidad na ito ay isang magandang hudyat para sa mga residente ng Melgar A at B na malapit ng simulan ang Seawall-Road Project sa kanilang lugar na magsisilbing matibay na proteksyon nila sa kalamidad na maaaring idulot ng tubig dagat tuwing masama ang panahon at may bagyo.


Matatandaang noong mga nagdaang linggo ay sinimulan na ang Flood Control Project sa Barangay San Jose na hiniling din ni Mayor Teves sa pamahalaang nasyunal. Nais ng Punumbayan na maging ligtas ang kaniyang mamamayan kaya’t patuloy siyang humihiling ng mga THE BEST na proyekto at programa para sa mga NaujeƱo.