
Isa na namang bagong kasaysayan para sa Bayan ng Naujan ang nabuo dahil dito ginanap ang tatlong (3) araw na Palarong Panlalawigan 2025 na nagsimula kahapon, Enero 29 sa Naujan Sports Complex na nilahukan ng mga kabataang atleta na mula pa sa iba’t-ibang yunit ng Oriental Mindoro.
Sa palarong ito ay Inaasahang mahuhubog ang disiplina, determinasyon, at pagkakaisa ng mga atletang Mindoreño at upang palakasin ang diwa ng kompetisyon at pakikisama tungo sa mas mataas pang kompetisyon.

Dumalo at buong suportang nakiisa sa programa si Mayor Henry Joel Teves at malugod niyang ini-welcome ang mga delegasyon ng naturang palaro. Naroroon din si Governor Bonz Dolor at ang mga bumubuo ng Sangguniang Panlalawigan na pinangunahan ni Vice Governor Ejay Falcon upang ipakita ang kanilang suporta ganoon din ang mga Mayor at Vice Mayor ng iba’t ibang bayan, mga opisyal ng Oriental Mindoro Federation of Parents-Teachers Association (OMFPTA), at iba pang mga sumusuporta sa Palarong Panlalawigan 2025.


Matatandaan namang noong Mayo 25 -28, 2024 ay dito rin sa Bayan ng Naujan ginanap ang MIMAROPA Regional Athletic Association (MRAA) na nilahukan naman ng mga atleta na nagmula naman sa iba’t ibang lalawigan ng Rehiyong MIMAROPA.