
Handa na ba kayo sa pagbubukas ng kauna-unahang 3D Art Maze sa buong Rehiyong MIMAROPA at pang-tatlo pa lamang sa buong Pilipinas?
Dito lamang ‘yan Bayan ng Naujan!
Halina’t saksihan, makisaya at maging bahagi ng Soft Opening ng Naujan Central Business District (NCBD) mamayang alas-4:00 ng hapon, Pebrero 1 sa Barangay Pinagsabangan 1 kasabay ang pagbubukas ng Tourism 3D Art Maze.
Bukod pa rito, magbubukas din ang Cafe De Curva at Pinoy Food Restaurants ganoon din ang bagong lokasyon ng DTI Negosyo Center at Municipal Tourism Extension Office na sa NCBD din matatagpuan.
Humanda na at maki-jamming na rin sa guest na banda. Tara na!