
Personal na nagtungo si Mayor Henry Joel Teves sa tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) – Region lV-B sa Quezon City kasama sina Municipal Engineer Precy Olmos at Executive Assistant Jojo De Villa noong Enero 14 at doon ay kanilang nakapanayam si Planning and Design Division OIC-Chief Engr. Montrexis Tamayo.

Ang layunin ng pagbisitang ito ay may kaugnayan sa mga paparating pa na naglalakihang proyektong nakalaan sa Bayan ng Naujan na bahagi ng patuloy na paghahatid ng mga Serbisyong THE BEST para sa kapakanan ng mga mamamayan. Ilan sa mga proyektong ito ay flood mitigation, mga tulay at sea wall para sa baybaying dagat na sisimulan sa taong ito.
Hindi humihinto si Mayor Teves at ang Pamahalaang Bayan ng Naujan sa paghingi ng tulong sa pamahalaang nasyunal upang masolusyonan ang malaking problema ng bayan upang patuloy din na matuldukan ang banta ng baha na lubos na nakakaapekto sa mga NaujeƱo.