
Namahagi ang Pamahalaang Bayan ng Naujan sa pamumuno ni Mayor Henry Joel Teves ng mga binhi ng palay sa mga magsasaka buhat sa iba’t ibang barangay na naapektuhan ng mga pagbaha noong buwan ng Disyembre 2024.


Ang naturang pamamahagi ay isinagawa noong Enero 14 na pinangasiwaan ng Municipal Agriculture Office sa pangunguna ni Municipal Agriculturist Raquelita Umali katuwang si Private Secretary Jones Bernard Mortel.
Ito ay bunga ng patuloy na pakikipag-uganayan ni Mayor Teves sa ahensya ng pamahalaang nasyunal upang mas mabilis na matugunan at mabigyan ng aksyon ang mga pangunahing pangangailangan ng mga kababayang magsasaka sa Bayan ng Naujan.