
Binisita ni Mayor Henry Joel Teves ang mga barangay ng Mulawin at Inarawan upang personal na makita at suriin ang kasalukuyang lebel ng baha sa mga nasabing barangay na sanhi ng patuloy na pag-ulan na nagdulot ng pagtaas ng tubig. Maingat niyang ininspeksyon ang mga apektadong lugar at nakipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay upang alamin ang kalagayan ng mga residente at ang mga hakbang na kailangang gawin upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Sa pagbisitang ito, inalam ni Mayor Teves ang mga pangunahing pangangailangan ng mga barangay at sinigurong may sapat na suporta mula sa lokal na pamahalaan. Patuloy ang pakikipagtulungan sa mga opisyal upang matugunan ang mga isyung dulot ng pagbaha at maglatag ng kaukulang aksyon para sa mabilisang solusyon. Ang administrasyong Teves ay nananatiling nakatutok upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng bawat residente, lalo na sa panahon ng sakuna.
Patuloy na nananawagan ang Pamahalaang Bayan ng Naujan sa mga kababayang NaujeƱo na maging alerto, sumunod sa mga abiso ng awtoridad, at magtulungan para sa kapakanan ng buong komunidad.