Matagumpay na naisagawa sa Bayan ng Naujan ang dalawang (2) araw na Land Transportation Office (LTO) Caravan – Road Safety Advocacy Program noong Pebrero 1-2 sa Barcenaga Covered Court kung saan ay 301 ang nabigyan ng libreng Theoretical Driving Course (TDC) at natulungang magkaroon ng kanilang Student Permit.

Umabot naman sa 166 ang bilang ng nagkaroon ng mga dokumento mula sa Philippine Statistic Authority (PSA) tulad ng Birth/Marriage/Death Certificate at CENOMAR sa matagumapy din na programang PSA Serbilis Mobile Outlet samantalang 74 naman ang bilang ng mga nakapagparehistro para magkaroon ng National ID sa ginanap na PHYLSIS Registration noong Pebrero 1 na parehong ginanap din sa Barcenaga Covered Court.



Ang mga programang ito ay magkakatuwang na pinangunahan at pinamahalaan ng Public Information Office, Municipal Tourism Office, LTO MIMAROPA Victoria Extension Office, Philippine Statistic Authority (PSA), Municipal Civil Registry Office sa pakikipagtulungan ng First First Asian Cognizance Executive Training – FACET Institute Corp., Department of Information and Communications Technology (DICT) Oriental Mindoro at ng Sangguniang Barangay ng Barcenaga.



Ito ay hatid pa rin ng patuloy na Serbisyong THE BEST ni Mayor Henry Joel Teves at ng Pamahalaang Bayan ng Naujan na naglalayong mas mailapit pa sa mga Naujeño ang mga the best na serbisyo at programang kapaki-pakinabang sa bawat isang mamamayan.
- AGENCY PERFORMANCE PLANNING AND REVIEW CONFERENCE (APPRC)Pinangunahan ni Mayor Henry Joel Teves ang pagsisimula ng tatlong (3) araw na Agency… Read more: AGENCY PERFORMANCE PLANNING AND REVIEW CONFERENCE (APPRC)
- LTO CARAVAN SA DISTRITO SYETEBahagi ng nalalapit na pagdiriwang ng ika-6 na taong pagkakatatag ng Minisipyo sa Distrito… Read more: LTO CARAVAN SA DISTRITO SYETE
- THE BEST HEALTH CENTER NG BARANGAY DAOIsa na namang bagong THE BEST Health Center ang pinasinayaan ni Mayor Henry Joel… Read more: THE BEST HEALTH CENTER NG BARANGAY DAO
- MGA PROYEKTO SA BARANGAY MELGAR BPinangunahan ni Mayor Henry Joel Teves katuwang si Punong Barangay Lito Palomera ang pagpapasinaya… Read more: MGA PROYEKTO SA BARANGAY MELGAR B
- BAGONG THE BEST HEALTH CENTER SA BARANGAY ADRIALUNA, PORMAL NANG PINASINAYAANHanda ng maghatid ng mga THE BEST at mas epektibong #SerbisyongPangkalusugan ang bagong gawang… Read more: BAGONG THE BEST HEALTH CENTER SA BARANGAY ADRIALUNA, PORMAL NANG PINASINAYAAN
- MGA KINATAWAN NG OFW PARTYLIST, BUMISITA SA BAYAN NG NAUJANDumating sa Bayan ng Naujan ang mga kinatawan ni Congresswoman Marrissa “Del Mar” Magsino… Read more: MGA KINATAWAN NG OFW PARTYLIST, BUMISITA SA BAYAN NG NAUJAN
- MGA OPISYAL AT KAWANI NG PAMAHALAANG BAYAN, IBINIDA ANG KANILANG ASEAN INSPIRED ATTIRE SA ISINAGAWANG MONDAY FLAG CEREMONYBilang panimula ng panibagong linggo ng paghahatid ng mga Serbisyong THE BEST, pinangunahan ni… Read more: MGA OPISYAL AT KAWANI NG PAMAHALAANG BAYAN, IBINIDA ANG KANILANG ASEAN INSPIRED ATTIRE SA ISINAGAWANG MONDAY FLAG CEREMONY
- BIRTHDAY INCENTIVE PARA SA MGA SENIOR CITIZENS, HANDOG NI MAYOR TEVESPinangunahan ni Mayor Henry Joel Teves katuwang si Private Secretary Jing Mortel ang ginawang… Read more: BIRTHDAY INCENTIVE PARA SA MGA SENIOR CITIZENS, HANDOG NI MAYOR TEVES