
Muling tumanggap ng karangalan ang Pamahalaang Bayan ng Naujan sa pamumuno ni MDRRMC Chairperson Mayor Henry Joel Teves mula sa Office of Civil Defense (OCD) at Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) MIMAROPA dahil sa pagkamit nito bilang Beyond Compliant sa 24th Gawad Kalasag Seal and Special Awards for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management and Humanitarian Assistance sa ginanap na Regional Awarding Ceremony ngayong Enero 16 sa Manila Prince Hotel, Metro Manila.

Ang naturang karangalan ay bilang pagkilala sa katatagan at kahandaan ng Bayan ng Naujan sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO). Ito ay personal na tinanggap ni Local Disaster Risk Reduction and Management Officer (LDRRMO) Joery Geroleo.