Nagsagawa ang Fisheries Management Office (FMO) sa pangunguna ni Agriculturist I – FMO Designate Chris Sean Paul Nagutom ng price monitoring and market denial sa mga casa at fish stalls sa Bayan ng Naujan noong Enero 20.

Layunin ng nasabing gawain na siguraduhing hindi naaabuso ang presyo ng isda sa kabila ng limitado nitong suplay dulot ng nagdaang fishing ban at amihan.


Layunin din nito ang patuloy na pagsisikap ng FMO na sugpuin ang talamak na bentahan ng mga isdang nahuli sa ilegal na pamamaraan tulad ng mga dulong at karis-karis. Itinatadhana ng mga umiiral na batas at regulasyong pang-pangisdaan ang mga pananagutan ng sinumang manghuhuli, magmamay-ari at magbebenta ng mga naturang klase ng isda.
Source: Fisheries Management Office – Naujan