
Upang mas mapalawak pa ang patuloy na paghahatid ng dekalidad at libreng #EdukasyonParaSaLahat ng Naujeño, pinagsumikapan ni Mayor Henry Joel Teves at ng Pamahalaang Bayan ng Naujan na mapagkalooban ng bagong sasakyan ang Colegio De Naujan.
Kaugnay nito, pormal nang ipinagkaloob nina Executive Assistant Jojo De Villa, General Services Officer Neneth Gaba at Tourism Coordinator Disoy Gillado ang naturang sasakyan sa pamunuan ng Colegio De Naujan sa pamamagitan ni TechVoc Program Head Honorata Manongsong noong Enero 8.
Ang inisyatibong ito ay bahagi lamang ng tuluy-tuloy na mga programa, proyekto at serbisyong the best ni Mayor Teves na makakatulong sa mga kababayang Naujeño na makapagtapos ng pag-aaral.